news

Janna Dominguez willing to settle issue with Iwa Moto at the right time: "Siguro mas maganda mag-mature muna both parties."

by Gorgy Rula posted on September 5, 2012  STATS: 20274 Views | 5 Comments

Apat na buwan matapos maisilang ang anak nila ng nobyong si Mickey Ablan, balik-trabaho ang sexy comedienne na si Janna Dominguez sa pagbabalik-telebisyon ng Pepito Manaloto.

Photo By: Noel Orsal

Medyo malusog pa ang sexy comedienne na si Janna Dominguez nang dumalo siya sa presscon ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, kagabi, September 4, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Pagkatapos niyang manganak, apat na buwan na ang nakararaan, ngayon lang siya nagpakita sa press.

Nagsalita na rin si Janna tungkol sa kanyang pagbubuntis sa isang malusog na baby girl, na unang baby nila ng boyfriend niyang si Mickey Ablan.

Mas pinili raw ni Janna na manahimik nung buntis siya dahil gusto raw niya ng stress-free na pagbubuntis at maiwas sa mga intriga.

“Nahiya nga ako sa Startalk saka Showbiz Central, kasi kinukuha nila ang panig ko, kasi ayaw ko na lang talaga magsalita,” sabi nito.

Kainitan pa noon ng isyu ni Mickey at ng dati nitong karelasyon na si Iwa Moto nang nabuntis si Janna, kaya mas mabuting manahimik na raw muna siya para na rin sa kanyang kalagayan.

NOT THE RIGHT TIME. Pero ngayon ay maayos na raw silang lahat, at kahit si Iwa nga ay nagsalita na rin noon na mas gusto niyang maging magkaibigan na silang tatlo nina Janna at Mickey.

Pero ayon kay Janna, “Hindi pa kami nagkikita nang personal. Siguro kasi hindi pa panahon.

“Siguro mas maganda yung ready na ang lahat. Mas mature na lahat ng tao, mas naintindihan na yung bawat nangyayari.

“Hindi na yung parang high school na ganun. Hindi na ganun, di ba?

“Iba na ngayon, e. May anak na ako.

"Siya, I hope masaya na rin siya.

“So, siguro in time,” seryosong sabi ng dating Pinoy Fear Factor participantes sa posibilidad na pagkakaayos nila ni Iwa.

Ang boyfriend ngayon ni Iwa ay si Pampi Lacson, anak ni Senator Panfilo Lacson at estranged husband ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • pearl102

    09/06/2012 | 04:01 AM
    So kasal pala talaga si Iwa at yung Mikey Ablan na pinatulan nitong si Jenna? Hayyyy basta talents ng DOS mahilig maging kebitski. Hindi mo masisisi si Iwa kung pumatol na rin sa may asawa...ipin sa ipin na nga lang ngayon.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    bessie31
    09/06/2012 | 04:25 AM
    'te, knows mo ba ang sinasabi mo? parang hindi....ang labo-labo ng mga statement mo
    onechismis
    09/06/2012 | 04:51 AM
    girl, asa gma na siya bago pa sila maging mag on ni micky. ikaw talaga shungabels!
    pearl102
    09/06/2012 | 06:10 AM
    Susme matagal ng naba blind item iyang si Mikey Ablan at Janna domiguez, nasa ABS pa lang siya nagta twang na daw iyang dalawang iyan kaya nga lumayas noon si Iwa Moto at nag iSTAY sa Japan ang drama. Ako pa ngayon ang shungabels...churva mga bobits hahaha
  • lanalang08

    09/06/2012 | 12:44 AM
    deny pa ito nang deny na walang relasyon dito sa ex ni iwa pagkatapos yon pala buntis na. pareho lang sila ni iwa walang delikadesa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    09/05/2012 | 07:33 PM
    buti pa itong si janna may respeto....o ayan iwa matuto ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovevibez7

    09/05/2012 | 06:19 PM
    dapat ganun din si iwa abt jodie and pampi. wla sya sa posisyon to talk about it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • labadista

    09/05/2012 | 05:02 PM
    mga childish pa raw sila at this moment.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    dospoako
    09/05/2012 | 05:40 PM
    haha..katawan lng nila tumatanda at nangangarag pero ang pag-iisip wala prin sa katinuan diba iwa? haha

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About