Hindi raw naiinggit si Carmi Martin sa mga kaibigan niyang may mga karelasyon at may pamilya na. Sabi niya: “Para sa akin, I don’t envy. I envy in a positive way that they have partners… masaya sila. Pero at the same time kung hindi para sa akin yun, hindi para sa akin yun. Pero I’m not closing my doors.”

Photo: Noel B. Orsal

“Pero it seems na hindi nakukuha sa pagmamaktol yun at pagta-tantrums.”

Nakaranas na rin ba siya ng physical abuse o battery?

“Hindi naman yung naospital ako, hindi ako umabot sa ganun.

“Pero siyempre, yung mga… alam mo yung verbal abuse at saka yung nakakatakot na tantrums na relationship?

“Many years ago na ito. Basta, may sari-sariling kuwento, in short.”

Na-develop ba ang phobia niya sa kasal dahil sa mga karanasan na ito?

“Ahh… I think so. And also nakikita ko rin kasi doon sa mga friends ko…

“Na I always say na kung sa akin siguro nangyayari yun, siguro nakipaghiwalay na ako... Yung mga ganoong things.”



SAME EXPERIENCE. Ibig bang sabihin nito, halos parehas din sila ni Carmina Villarroel na na-in love sa isang lalaki at ngayo’y mistulang babae na? 

“Ay, medyo nakaka-relate ako!” sabay tawa ni Carmi.

“Pero hindi nga lang nagbihis babae!” tawa uli niya.

“Pero kami, magkaibigan na,” na ang tinutukoy ay ang sinasabing ex na bading na ngayon.

“Aba, meron pang nanligaw sa akin… Nung hindi ko sinagot, aba, noong makita ko, nasa Santacruzan na—siya ang Reyna Elena! Maryosep!

“Malakas yata ang appeal ko sa mga bakla!” halakhak niya agad.



NOT DATING. Hindi itinatanggi ni Carmi na wala siyang dini-date na lalaki ngayon.

“Sa ngayon, wala, e. I had a relationship last year. Pero parang…alam mo yun? 

“Medyo gusto ko munang mag-relax, kasi baka kumota [meet the quota] na!”