Hindi raw naiinggit si Carmi Martin sa mga kaibigan niyang may mga karelasyon at may pamilya na. Sabi niya: “Para sa akin, I don’t envy. I envy in a positive way that they have partners… masaya sila. Pero at the same time kung hindi para sa akin yun, hindi para sa akin yun. Pero I’m not closing my doors.”

Photo: Noel B. Orsal

Hindi ba siya na-involve sa tomboy?

“Ay, wala. Diyos ko hindi naman. Buti na lang! Buti na lang!” malakas niyang tili.

Hindi siya nag-resort sa ganung relasyon noong hindi naging successful ang  relationships niya sa opposite sex?

“Ay hindi po. I don’t wanna judge people kung ano ang gusto nila sa buhay, pero para sa akin, hindi.

“Kasi siguro, ang focus ko yung pagiging Kristiyano ko, yung pagiging malapit ko sa Diyos.”

Wala ba siyang planong magkaroon ng sariling baby?

“Ay, Diyos ko! Ano na ang lalabas doon?” tili niya.

O kaya’y mag-adopt ng anak?

“Hindi na muna siguro… well, I’m a Sunday school teacher. I take care of the kids and I’m happy being like that, you know.”



HAPPY FOR KATRINA. Sa pagkakaalam namin, malapit sa isa’t isa sina Carmi at Katrina Halili.

Malapit nang manganak si Katrina sa partner nitong si Kris Lawrence.

“Ay, happy rin ako for her. That’s her choice and yung… kilala ko nga yung taong yun.

“Nakapatahimik nga nun, noong nakasama ko sa soap. Parang natatakot ‘ata to trust anyone, and I don’t blame her.

“But we became close and she’s sweet. I’m happy for her, kasi magkakaroon na siya ng bundle of joy and she’s still young.

“Kasi minsan, mahirap na rin na may edad ka…wala kayong relationship… alam mo yun na…iba, e.

“Baka bigla na lang bigyan ng tukod noong bata yung nanay, di ba?”



SECOND CAREER. Maliban sa kanyang showbiz career, isa ring matagumpay na interior designer-decorator si Carmi.