news

Carmi Martin on her search for a partner: “Pinagdaanan ko na yung gumulung-gulong ako, umiyak ako, and everything just to find the right guy.”

by Rey Pumaloy posted on September 5, 2012  STATS: 65636 Views | 5 Comments

Hindi raw naiinggit si Carmi Martin sa mga kaibigan niyang may mga karelasyon at may pamilya na. Sabi niya: “Para sa akin, I don’t envy. I envy in a positive way that they have partners… masaya sila. Pero at the same time kung hindi para sa akin yun, hindi para sa akin yun. Pero I’m not closing my doors.”

Photo By: Noel B. Orsal

Nakikita ba niya ang sarili niyang maging isang educator sa isang interior design-decorating school?

“Well… hindi ko alam. Parang hindi naman yata.”

Ang pagkakaroon ng sarili niyang company at kumuha ng iba pang mga decorator?

“Ahm... maybe. Yes. Pero hindi ko pa alam. Sinasabi ko nga, at least meron akong fallback.

“Gustung-gusto ko pa ring mag-artista, and kahit na medyo may edad, meron pa ring kumukuha. ”



LOUIS VUITTON COLLECTION. May mga nakapagsabing si Carmi raw ang isa sa iilang kauna-unahang artista na nagkaroon ng koleksyon ng Louis Vuitton? 

“Totoo yun, totoo yun,” pagkumpirma niya. 

“Kapag hinatak ng helper ko yung ano ko…puro Louis Vuitton, Louis Vuitton.

“During Dick and Carmi [dating show nila ni Roderick Paulate sa ABS-CBN] ‘yan.

“Talagang wala pang masyadong nangungulekta noon.

“Sobra akong nahilig nun…wala pa kasing sapatos at that time, e.

“Siguro kung meron, may koleksyon rin ako nun noon.”

“May appointment book, may cigarette case, may luggages, make-up kit, mga bags—ay, ang dami—mga bags na kumpleto!”

Malaking halaga na rin daw ang value ng kanyang koleksyon kung susumahin ang mga ito, ayon pa kay Carmi.

“Like for example, yung mga make-up [kit] ko na 200k na ngayon…

“Ang halaga during that time na bumili ako, 75k siya—yung hardcase. And I’m still using it now.”



INVESTMENTS. Walang balak si Carmi na ibenta ang mga koleksyon niya. Karamihan nga raw ay naipamigay na niya sa mga kaibigan.

« Prev  1  2  3  4  5  6  7  8  9  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • skittlesrainbow

    09/14/2012 | 11:53 AM
    there is no perfect partner sa buhay, you have to work hard on your relationship. basta may love and respect sa isat-isa you have a good chance of working out. you have to take the plunge and risk it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • amanda2010

    09/07/2012 | 12:00 AM
    nakakaaliw basahin ang interview niya. kahit 9 pages natapos ko. GOOD LUCK ! !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • YanLai

    09/06/2012 | 03:13 PM
    wow astig ka pala Carmi, simple pero rock...sana makakita ka na ng tunay at tamang partner mo sa buhay, yun na lang ang kulang....ganda rin ng interview sa u nkakaaliw
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • deathbychocolate

    09/06/2012 | 01:48 AM
    si apa ongpin yata yung ex nya na lalaki na ang hilig ngayon. sayang gwapo pa naman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    trinoma_rat
    09/06/2012 | 10:15 AM
    be careful in accusing!
  • merlion_25

    09/05/2012 | 10:21 PM
    mas exciting ata ang book 3 ng Luna Blanca. yipeee.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About