Si John Lloyd Cruz nga ba ang nagbigay kay Angelica Panganiban ng Mercedes Benz SLK na nasa kanyang Instagram? Kapansin-pansin na brand new ang sasakyang ito dahil sa 60.6 km odometer reading. Isa namang reliable source ang nagsabi sa PEP na kamakailan ay bumili ng ganito ring sasakyan si John Lloyd at dineliver ito sa kanyang tirahan noong nakaraang linggo. Iisa lang kayang Mercedes ang pinag-uusapan?

Photo: Noel Orsal (John Lloyd Angelica)/Instagram photo from Angelica Panganiban

Sinubukang alamin ng PEP mula kina John Lloyd at Angelica, sa pamamagitan ng kani-kanilang handlers sa Star Magic, kung totoo ang balitang ito.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang sagot mula sa kanila.

SOLD MINI COOPER. Samantala, matatandaang niregaluhan din noon ni Derek Ramsay ng kotse si Angelica—isang Mini Cooper, na pinangalanan nilang “Baby James Cooper.”

Matapos kumpirmahin ni Derek sa publiko na naghiwalay na sila ni Angelica nitong Mayo, nakumpirma naman ng PEP mula sa isang mapagkakatiwalaan source na ibinenta na ni Angelica ang Mini Cooper sa mas mababang halaga.

(Lumabas ito sa PEP Alerts noong Agosto.)

Si Derek ay naging nobyo ni Angelica sa loob ng anim na taon.