Si John Lloyd Cruz nga ba ang nagbigay kay Angelica Panganiban ng Mercedes Benz SLK na nasa kanyang Instagram? Kapansin-pansin na brand new ang sasakyang ito dahil sa 60.6 km odometer reading. Isa namang reliable source ang nagsabi sa PEP na kamakailan ay bumili ng ganito ring sasakyan si John Lloyd at dineliver ito sa kanyang tirahan noong nakaraang linggo. Iisa lang kayang Mercedes ang pinag-uusapan?

Photo: Noel Orsal (John Lloyd Angelica)/Instagram photo from Angelica Panganiban

Noong August 28, nag-post si Angelica Panganiban ng isang photo collage sa kanyang Instagram account.

Makikita ang tatlong litrato: ang aktres habang nakaupo sa animo’y driver’s seat ng isang kotse, ang logo ng Mercedez Benz na nakaukit sa manibela, at ang digital instrument panel sa dashboard ng sasakyan.

Ayon sa ilang followers ni Angelica sa Instagram, isang Mercedes Benz SLK daw ang kotseng ito.

Kapansin-pansin din na bago pa lamang ang sasakyan dahil kita rin sa Instagram na 60.6 kilometers pa lang ang reading ng odometer nito.

Ayon sa comment ng Instagram user na si phoebeornotobe, "Galante ni JLC 5 mil benz delivered last week," na nangangahulugang regalo umano ito ng aktor na si John Lloyd Cruz kay Angelica.

Sinegundahan din ito ng isa pang Instagram user na si mitchblithe: "with matching chocolates and flowers inside the benz car.. sweet papa JL.."

Nakita rin kasi sa Instagram collage ni Angelica ang tatlong pulang rosas na nakalatag sa pulang wrapper.

A GIFT FROM JOHN LLOYD? Ayon sa isang anonymous at reliable source na nag-tip sa PEP (Philippine Entertainment Portal), tama ang konklusyon ng mga Instagram fans ni Angelica at John Lloyd.

Sinabi ng PEP source na ang white Mercedes Benz SLK350 ay regalo nga kay Angelica ng kanyang rumored suitor na si John Lloyd.

Sa nakalap pang impormasyon ng PEP, ilang buwan na raw ang nakararaan mula nang in-order ni John Lloyd ang sasakyan sa Mercedez Benz EDSA showroom.

Binayaran daw ng Kapamilya actor ang halaga nitong P5.1 million in cash.

Two Sundays ago raw nang mai-deliver kay John Lloyd ang biniling Mercedes Benz.

Ayon pa sa PEP source, ni-request daw ng aktor na idaan muna sa tahanan niya sa Valle Verde ang biniling sasakyan bago ipahatid sa bahay ni Angelica.

Si John Lloyd din daw mismo ang nag-inspect sa kotse at naglagay ng bulaklak at chocolates.