Kuwento ni Chito Miranda, hiningan daw siya noon ng pabor ng kaibigan niyang si Angel Locsin para magbantay at kilatisin ang manliligaw pa nito noon na si Phil Younghusband. Pero sabi ni Chito, nabaitan daw siya sa Filipino-British footballer. “Parang nagalit pa nga si Angel sa akin na, bakit daw sobrang bait ko kay Phil. Sabi niya, dapat medyo pa-kuya daw dapat ako sa kanya, para kilatisin si Phil. Pero, wala, e. Sobrang bait talaga ni Phil, e.”

Photo: Allan Sancon

Marami nang nabuwag na banda na kasabay ng Parokya Ni Edgar.

Pero si Chito Miranda at ang mga kabanda niya, buo pa rin at kare-release lang ng bago nilang album, ang Parokya Ni Edgar, Inuman Sessions Vol. 2.

 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chito sa presscon ng bago nilang album na ito sa Universal Records office sa Quezon Ave., Quezon City, nung Agosto 30.

Agad na tinanong ng PEP ang lead singer ng Parokya tungkol sa album.

“It’s a collection of all our old songs in the past,” simula ni Chito.

“What we did was, pinerform namin nang live habang lasing and we will see what will happen. Parang ganun ‘yang album na ito.

“It was sponsored by Tanduay, kaya yung crowd, lasing na lasing. So, it’s always fun doing that.

“Hindi lang basta greatest hits or basta live yung pagkanta namin kundi…  

“Sabi namin, ‘Sige sponsor-an niyo kami ng alak, ‘tapos kakantahin namin lahat ‘yan.’

“Parang ganun yung nangyari sa album na ito.”

Hindi ba sila nag-alala na mahusgahan dahil lasing nga sila sa album?

“Well, hindi kami nagwo-worry, dahil yun talaga kami.

“So, we don’t want them to think na good boy talaga kami.

“Good boy kami, pero that’s what the album is all about, e,” ang pagkanta nang lasing ang ibig niyang sabihin.

“We are not propagating na, ‘Uminom kayo!’ Pero sinasabi lang namin na umiinom din kami.

“Hindi namin dine-deny yun.