Kuwento ni Chito Miranda, hiningan daw siya noon ng pabor ng kaibigan niyang si Angel Locsin para magbantay at kilatisin ang manliligaw pa nito noon na si Phil Younghusband. Pero sabi ni Chito, nabaitan daw siya sa Filipino-British footballer. “Parang nagalit pa nga si Angel sa akin na, bakit daw sobrang bait ko kay Phil. Sabi niya, dapat medyo pa-kuya daw dapat ako sa kanya, para kilatisin si Phil. Pero, wala, e. Sobrang bait talaga ni Phil, e.”

Photo: Allan Sancon

“Hindi pa namin actually, pinag-uusapan.

“Enjoy muna kami na girlfriend-boyfriend.”



HIS FRIEND ANGEL. Hindi ba’t na-link sila noon ni Angel Locsin?

Ano ba talaga ang totoo sa kanila? Ano ang reaksiyon nila ni Angel?

“Wala naman! Minsan nga sinasakyan na lang namin kasi nakakatawa lang.

“Di talaga namin pinapansin 'yan. It was just funny for us,” paglalahad pa ni Chito.

Kumusta na nga pala sila ni Angel? Do they still keep in touch?

“Oo, we still hang-out, pero hindi na tulad ng dati.

“Before na di siya busy at di ako busy, saka wala siyang boyfriend at wala akong girlfriend, we hang-out together as friends lang talaga. 

“Ngayon, may boyfriend na siya at may girfriend na ako.”

Ang football player na si Phil Younghusband ang sinasabi ni Chito na boyfriend ni Angel.

“Kapag wala kaming trabaho, we rather stick to our own...”

Dumating ba ang point na nagselos si Neri kay Angel, at si Phil naman kay Chito?

“Of course not! Alam nila na friends lang talaga kami ni  Angel,” sagot agad ng “Mang Jose” singer.

“Alam ng girlfriend ko na tropa ko lang talaga si Angel. Mas lalaki pa nga sa 'kin si Angel, e.

“Kayang-kaya niya nga akong gulpihin. He-he-he!”



HAPPY FOR ANGEL. Ano ang masasabi ni Chito sa pagiging in love ngayon ni Angel kay Phil?