[x]

Nang tanungin si Daniel Padilla kung ano ang gagawin niya sakaling paghiwalayin sila ni Kathryn Bernardo bilang magka-loveteam, "Kailangan ko pong intindihin yung mga pangyayaring ganyan. Siyempre, hindi ko naman po mapipigilan yung mga ganun. Siyempre mga boss na po ang may gusto nun. E, bahala na po ang Diyos kung anong gagawin niya sa ‘kin," sagot niya.

Photo: Abby Mendoza

“So ano yun, nakakakuha ka bang tips… nagbibigay ba ng tips si Titot Robin sa ‘yo?”

Daniel: “Hindi po. Hindi po, normal na po sa ‘min yun.”

Rommel: Normal na sa mga Padilla?

Daniel: “Opo. Na…laging rerespetuhin po ang mga babaeng kagaya ni Kathryn.”

Pagbaling naman ni Anna kay Kathryn, “Parang nabasa ko before na parang…

Sumingit si Daniel na, “Alam ko po 'yang sasabihin niyo!”

Pagpapatuloy ni Anna,  “…yun yung apprehension mo, dahil Padilla. Hanggang ngayon ba, ganun, o may na-prove naman na siya?” tanong niya kay Kathryn.

Sagot ni Kathryn, “May nabago naman. Kasi hindi naman pala…yung first impression ko sa kanya, opposite naman po.”

Daniel: “Ayan a, may mga nakukuha kayo, PEPsters!” pagbaling ni Daniel sa camera.

Anna: Ano yung conclusion mo sa kanya?

Kathryn: “Ano, opposite, super. Sobrang mabait… hindi, totoo.

“Mabait… Tapos, uh, mabait! Paulit-ulit? Hahaha.

“Mabait siya tapos hindi naman siya playboy na, yung pag nakakakita ng babae parang…”

Anna: Marami pa ngang nali-link sa ‘yo, no? Siya, loyal.

Kathryn: “Kasi sa Princess and I lang naman yun, pero wala naman sa totoong buhay.