news

Karylle says mom Zsa Zsa Padilla will come home tomorrow, September 7, after successful operation in the U.S.

by Melba Llanera posted on September 6, 2012  STATS: 17218 Views | 9 Comments

Labis-labis ang pasasalamat ng singer-actress na si Karylle sa lahat ng mga nagdasal para sa paggaling ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla. Ngayon kasi ay cancer-free na si Zsa Zsa matapos makita na benign ang tumor na nakuha mula sa kanyang kidney.

Photo By: File

Masaya at nakahinga na nang maluwag si Karylle dahil benign, o hindi cancerous, ang bukol na nakuha mula sa kidney ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ni Karylle sa mga taong nagdasal at nagbigay-suporta sa kanyang ina.

“Napakadami kong gustong pasalamatan… sa Twitter, sa mga nurse na nandun mismo sa Cedars-Sinai Medical Center, sa mga Filipino nurses.

“Even the day ng surgery, napakadaming lumalapit sa amin na nagsasabi na nagdarasal sila. 

“Minsan binibigyan kami ng mga prayer books, bulaklak, iba’t ibang ways na pagpapakita nila na mahal nila ang pamilya namin and they are really praying for my mom.

“I got a lot of messages from family and friends na nag-o-offer sila ng misa: ‘We’re continually praying for your mom.’

“Saka yung mga humihingi ng constant updates, dun ko talaga naramdaman na yung closeness ng family namin.

“Sa lahat ng mga nagdasal, I haven’t met so many of you, hindi ko maintindihan kung paano magagawa ng isang tao na hindi ko naman kakilala talaga nang personal, yung kabaitan na ipinakita sa akin.

“I wish I could thank personally everybody, pero by now, hindi ko pa kayo nami-meet, maraming salamat from our family.

“Parati ko kayong ipinagdarasal.

“Sabi ko, ‘Lord, sana po i-bless Ninyo lahat ng nagdasal para sa amin kasi napakalaking bagay ng ginawa nila sa amin, kasi we have experienced miracle and that’s because of You.’”

Kabilang naman sa mga taga-showbiz na gustong pasalamatan ni Karylle ay sina Dra. Vicki Belo, Kris Aquino, at Angeli Pangilinan-Valenciano.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle kahapon, September 5, sa hallway ng ABS-CBN.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • fifiandtheflowertots

    09/08/2012 | 03:33 AM
    sana tuloy tuloy na ang recovery ni zsa zsa at di na babalik ang cancer. sana bye bye forever na ang cancer. God bless kay Kaye at sa mga pamilyang involve.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bessie31

    09/07/2012 | 09:03 PM
    to all the bloggers - my point here is not to exaggerate any news about showbiz people, in particular, their health condition. yun lang naman, walang negative connotation. am happy that zsa zsa is not really that sick - period. mga bwisit yung iba dito, parang mga praning.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • capricorn123

    09/07/2012 | 06:55 PM
    for sure the haters of karylle were not happy bout the news........... am encouraging the haters to join us in celebrating the victory over the evils....... come on......let's all be happy and joyful....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • avidreader53

    09/07/2012 | 05:28 AM
    Itong mga PANS ni alam niyo na, pati ang health ng nanay ni karylle, pinagiinitan. Disappointed sila dahil hindi malignant ang tumor ng nanay ni karylle. Ganyan na nga ba ang galit nila kay karylle na pati ang nanay niya ,gusto nilang mamatay? halata kayo mga PANS ni alam niyo na. matakot naman kayo sa Diyos, at sana hindi kayo ma karma. maligaya pa kayo kung may malignant cancer ang ibang tao? Dahil ba ina siya ni karylle na ex ng bf ng idol niyo? S owaht kung na report nila na stage 1 cancer at thank God , benign lang. So what? Im happy for you ZsaZsa and karylle, kawawa ang mga anak pag nawalan ng ina. Sana hindi yan mangyari sa inyo, mga PANS ni alam niyo na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ehemm
    09/07/2012 | 07:14 AM
    yes, it is not what they want to hear and read, hence the reaction. tsk talaga...
  • ehemm

    09/07/2012 | 05:15 AM
    syetedos, hi there hahaha good one... my thoughts, exactly. funny yung madami daw na-turn off. imbento talaga. guess who is disseminating wrong info here lols
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    syetedos
    09/07/2012 | 06:32 AM
    It's just frustrating to read comments like that talaga. I really cannot understand. Cguro I can give the benefit of the doubt kung may ginawang masama si Zsa Zsa or Karylle sa kanila but still it's not the right thing to do.
    ehemm
    09/07/2012 | 07:08 AM
    i know, tsk. such leave your mouth agape as you read thru those. i can't imagine another wishing one ill...
    pearl102
    09/07/2012 | 09:38 AM
    Hmmm saan ba makukuha ni BESSIE31 iyang info na iyan kundi sa mga tambayan ng mga TARDS ng DOS, ka fellow nyo iyan ano!!
  • ehemm

    09/07/2012 | 05:08 AM
    wow, instead of wishing another well... these people talaga. familiar ang names na ito. mga walang modong pans ito ni you know who.... get it straight --- a tumor the size of a golf ball was found in her kidney. she was diagnosed with stage 1 kidney cancer. it is cancer unless otherwise proven by pathology. when she underwent surgery, the tumor turned out to be benign. thankfully.... pasalamat kayo hindi kayo yon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • syetedos

    09/07/2012 | 05:06 AM
    ang mga pinoy talaga oo, maghahanap lagi ng butas para may masabi lang. Whatever was desseminated before to the public was what the doctor who examined Zsa Zsa said. If it was exaggerated, then it is the reporter who did the exaggeration para may scoop sila and to sell their paper. Sana someday ang mga pinoy matutong matuwa na lang pag may magandang nangyayari sa kapwa nila instead na hanapan ng ipipintas. Also, I do not know where you got the idea or how did you make the conclusion that - A lot of people were turned off -. Did you conduct a survey? Even surveys are not reliable because they only ask a handful of people, not the entire nation. When someone says - A lot of people were turned off - it is a statement of fact which I am sure is not factual.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    09/07/2012 | 09:37 AM
    Tsk nanggagalaiti ang mga minions ng DOS. Ano bang masama ang sinabi ko tungkol kay Zsazsing? Totoo naman exaggerated na ang mga ibinabalita ng mga jokelang reporter na mga minions din ng DOS itanong nyo pa kay Zia.
  • lanalang08

    09/07/2012 | 03:51 AM
    excuse me lang kung cancer iyon karylle ay tatanggalin na ang kidney nang mother mo. a friend of mine ay halos 85 na ng kidney niya ang nadamaged and hindi pa rin naging cancer and tinanggal lang dahil nga 85 damaged na ang isang kidney niya pero it happened about 8 years ago and my friend is healthy, alive and no sign na isa lang ang kidney niya. people can live even with one kidney and that's a fact.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bessie31

    09/06/2012 | 09:34 PM
    It's good news that Zsa Zsa is ok now. Kaya lang, para namang napag-tripan tayo para sabihin agad na stage 1 cancer. Next time, wala munang press release until you are sure of what to say to the public. A lot of people were turned off kse nga, paanong naging stage 1 and then benign. There is something wrong with the way this information was disseminated to the public. But again, buti na lang at cancer-free na si Zsa Zsa.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    09/06/2012 | 10:37 PM
    Dapat masanay ka na, magaling mag exaggerate ang PR department ng DOS hihihi
    lanalang08
    09/07/2012 | 03:46 AM
    hindi naman agad nagiging cancer ang kidney natin para sabihin na sa stage 1 cancer na agad ang kidney niya. ang sister ko had an operation sa kidney here in the US dahil may mast sa kidney niya and hindi naman inoperahan kaagad dahil sabi nang doctor ay di naman alarming. it took about 6 months bago siya inoperahan para tangalin ang mast and hindi tinanggal ang kidney and totally binuksan ang operasyon nang sister ko na unlike zsa zsa laser ang ginamit. my sister's doctor suggested na buksan para maging malinis ang operasyon. and my sister had a successful operation and took her a month of leave sa work to recuperate. si zsa zsa only took around 1 to 2 weeks dahil di naman siya totally binuksan dahil binutasan lang siya. kaya naka recover na siya kaagad. tama exaggerated minsan ang news sa pinas maliit na bagay ay pinalalaki.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About