Halos tatlong buwan na walang teleserye si Paolo Contis, pero imbes na magmukmok ay in-enjoy na lamang daw niya ito. Saad niya, “Tapos ako, nag-enjoy rin ako na for the longest time, wala akong work, kasi yung mga anak ko, naging close ko talaga. So, ngayon, tamad na nga rin ako!”

Photo: Courtesy of GMA-7

May ilang buwan ding napahinga si Paolo Contis sa paggawa ng teleserye pagkatapos ng My Beloved.

Ngunit simula sa Lunes, September 7, ay muli siyang mapapanood sa bagong telefantasya ng Kapuso network na Aso Ni San Roque ng GMA-7.

Inilarawan ni Paolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang role dito bilang si Sento.

“Actually, pilantod ako rito. Para akong si Professor X [ng X-Men]. Pero kaya ako pilay, hindi ko ipinapakita ang paa ko.

“Ang paa ko kasi, kabayo. Ako ang tikbalang, aswang ng lupa.  

“Pero ang makikita nila sa akin, human, tao ako... successful businessman.

“Pero sa gabi, nambibiktima ako ng mga virgin.

“Hindi ko nga alam kung bakit ako napili, hindi naman ako ganoon!” biro ni Paolo tungkol sa kanyang role.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa presscon ng Aso ni San Roque sa GMA-7 noong Lunes, September 3.



PREPARING FOR THE ROLE. Okay ba sa kanya ang bago niyang role?

Sagot ni Paolo, “Okay naman. Actually, nahirapan ako kasi kailangan kong mag-prepare.

“For the longest time, nagpahinga ako sa pagpapaganda ng katawan. Pero ngayon, diet, diet. 

“Balik akong talaga… diet… buhat.

"Noong August sinabi yung show, nagsimula na akong mag-diet.

“I lost mga fifteen pounds already and I need to lose mga ten pounds pa siguro.”

Dagdag ng aktor, “Physically, it’s more challenging. Mahirap din naman ang costume ko na pang-kabayo.