news

PEP EXCLUSIVE Jim Paredes on status of OPM: "It’s not like it's in the best of health, but it’s not dead."

by Kathleen Benavidez posted on September 7, 2012  STATS: 8885 Views | 11 Comments

Jim Paredes on the weakening of OPM and invasion of foreign music: "It reflects the taste of Pinoys, but remember, taste is not something they pick out of thin air. Taste is something that is given, day in, day out, di ba? I mean, we can have a taste for trash, you know. And that’s what we’ve been getting, trashy taste. That’s what I’m saying."

Photo By: Sany Chua

Matapos ang mahigit apat na dekada sa entertainment industry, magkakaroon ng kanyang kauna-unahang solo concert ang dating miyembro ng APO Hiking Society na si Jim Paredes.

May pamagat na Live, Laugh, and Sing, ito ay magaganap sa October 11 sa Newport Theater, Resorts World Manila.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jim noong Miyerkules, September 5, sa Maxim’s Hotel, Pasay City, tinanong namin siya kung bakit niya naisipang magkaroon ng solo concert.

Paliwanag niya, “Well, APO ended two years ago. And uhm…I still wanna perform.

“But, you know, I can’t perform with just Buboy, I mean, that’s too close to APO.”

Taong 2010 nang magdesisyon ang APO Hiking Society na mag-retire bilang grupo; kasama ni Jim dito sina Buboy Garovillo at Danny Javier.

Aktibo ngayon si Buboy sa pag-arte sa pelikula at telebisyon, samantalang si Danny ay inatake ng congestive heart disease noong 2011 bagamat unti-unti na ring naka-recover ngayong taon.

Patuloy ni Jim, na ngayon ay 61 years old na, “So I sort of had to reinvent myself the way Paul McCartney reinvented himself after The Beatles, parang ganun.

“I still wanna perform, e. I still wanna write, I still wanna tour, stuff like that.”

Si Paul McCartney ang isa sa apat na miyembro ng phenomenal British band na Beatles, kung saan kasama rin sina John Lennon, George Harrison, at Ringo Starr.



JIM'S GUESTS. Special guests ni Jim sa solo concert niya sina Jett Pangan, Noel Cabangon, Ebe Dancel, at Yeng Constantino.

Personal choice ba niya na makasama ang apat na singers na ito?

“Yeah, oo.

"Si Yeng, she was part of the first [Pinoy] Dream Academy and I was the Headmaster.

“And she was like the singer-songwriter na talagang... I really think she really—she’s a real winner. And I wanna work with her after all these years.

“The three other guys… si ano, is a good friend of mine, si Noel Cabangon.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  brainful_than_brainful

    09/10/2012 | 12:34 AM
    Napanood ko yung Idobi Dobeedoo.... nakakaklungkot at karamihan sa mga Filipino ay brainwashed na network war pati movie watching habits....the movie has plain plot but ung musical aspect nito....mganda...yung mga songs ng APO tumama sa mga sequence.....maganda ang production ng movie....pero sayang kasi di xa gaano kumita....with this in mind....tatandaan ko at ituturo sa anak ko na majority may win but majority is not always correct.... quality is different from quantity.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  gormiti_2009

    09/09/2012 | 08:17 PM
    OPM is dead, the best era of OPM is the 70s ang 80s, the best ang mga OPM n compose noon ng APO, Rico J, Hajji, Rey Valera, Hotdogs, etc. No wonder KPOP ang sikat ngayon kse wala nang magandang OPM, lets face it maganda ang tono ng music at catchy ang beat nila plus the singers also look good.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    09/08/2012 | 06:15 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    lefty
    09/08/2012 | 06:19 AM
    OPM pala pinag uusapan dito as in Over Pakialamera na MAn!!
    0credibilitycmod
    09/08/2012 | 11:02 AM
    agree ako jan na mahilig magmagaling..61 years old na pero kulang sa pang unawa,pagmamagaling lang ang alam...
  • Angel_Wings

    09/08/2012 | 03:35 AM
    I LOVE KPOP!! YG!! lolz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ambrossia

    09/07/2012 | 11:06 PM
    i believe na hindi pa patay ang OPM at susupurtahan ko ito habambuhay pero sana naman bilang consumer ay bigyan ng kinauukulan ang mga ito: 1. kailangan namin ng mga bago at original na materyal hindi ung puro revival tigilan na ang pagremake ng mga kantang pangteleserye 2. 100-150 price ng original cd is fair enough. Kaya lang karamihan sa mga album na nilalabas ng mga pinoy singers natin e may 4-5 kanta lang, worst e di pa original ung iba at kung minsan nama'y minus one para pampadami ng song list! kalokah!! 3. dapat may batas na lahat ng music station sa bansa ay maglaan ng oras na magpatugtog ng OPM 4. kung may tinatawag na indie sa movies, sa ganun din sa music. Sa technology natin ngayon pwedeng magrekord ng mga unsigned artists jan then idistribute ng mga malalaking recording companies 5. we need real talent and real singers na pwede naming pagbuhusan ng pera para bilhin ang mga album nila. Sa palagay niyo, worth it ba ang pera pag bumili ka ng album nina jovit, anne at willie? =
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maria45

    09/07/2012 | 11:05 PM
    Kpop was successful because they are Koreans trying to be themselves..according to Jim Paredes. In short, they dont copy . In a way, that's true. I'm not a Kpop fanatic, but I do see Korean male singers with make up on including eyeliners..that's something. Their music is also catchy. I think the difference between these bands , KPOP and PPOP or whatever POPS is there is that. .Koreans always look good when they perform, dress well and dance well. You know na pinaghandaan talaga. That's why they have penetrated the international market like the U.S. And I agree with him, to be international you should be local first. You can bash KPOP all you want but the fact remains that they are popular right now and that means they are doing the right thing...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • forceblader666

    09/07/2012 | 10:48 PM
    Ibalik ang OPM ewan ko lalo na biglang dumami mga koreans dito lahat ng mga pinoy naki IN na sa KPOP JPOP o etttcc.. mga OPM natin nanamlay nalang bigla tapos mga bandang Hale,Orange and Lemons and recently Bamboo nadisband na miss ko na OPM lalo na College Days ko mga un!. dati kanya kanya banda nagfoform tapos nagjajaming sila ngayon bgla nalang nawala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • forceblader666

    09/07/2012 | 10:45 PM
    Nagulat nalang ako s MYX lagi nalang KPOP JPOP etcc mga pinapatugtog tpos OPM HIT LIST once a week nalang. ang ganda ganda ng run OPM tapos pati sa mga radio number 1 mga OPM music. ngayon nawala nalang mga banda nagisnan ko like Hale, Orange and Lemons then Bamboo. sunod sunod na non mga hits ng OPM tapos ung mga kabataan nag foform na ng sarili nilang mga band ang ganda ng impact. pero ngayon biglang nawala..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ambrossia

    09/07/2012 | 10:40 PM
    K-pop sucks! Ewan ko kng bakit mas sinusuportahan ng ibang kababayan natin ang mga ito e wala naman silang originality. Sila ung mga singkit na nagdadamit at nag-aastang amerikano! Mga pakyut sabi nga ni sir jim pero hindi naman bagay at kung minsan para silang mga eng-eng!. Mga k-pop boybands na feeling gwapo pero ang tsatsaka naman! Come on guys, kung fez at boses lang naman ang labanan ay mas di hamak na mas magaling at magaganda naman tayo no? Kulang lang tayo sa bonggang produksyon sa pagrekord ng kanta/music videos pero ma mayaman tayo sa talento at kultura!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • forceblader666

    09/07/2012 | 10:40 PM
    Ewan ko ang ganda ng run ng OPM magsimula year 2004 then sunod sunod na mga hits tapos mga concerts pa nila like mymp,nina,cueshe hale etc.. sold out lalo na sa araneta. tapos sa MYX laging nagtotop hits ang OPM araw araw ko inaabangan mga top hits nila pero ngayon puro nalang mga KPOP JPOP o mga korean music na hindi mo maintindihan tapos gustong gusto naman nila tskk tskk. mga OPM bands halos na disband na like Hale,Orange and Lemons recently Bamboo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wanna_change

    09/07/2012 | 08:56 PM
    patay ang OPM kasi patay ang creativity.. dine sa amin, ang kapitbahay namin, ang lakas magpatugtog ng mga kanta ng ASIN.. asan na ang mga totoong artists? marunong mag-compose, marunong tumugtog ng instrument at marunong kumanta.. wala na.. may iba dyan, puro mushy, weepie na romance subject na lang ang ginagawang kanta..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About