Bilib na bilib si Joey Marquez sa paraan ng pagkakagawa ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan kabilang siya sa cast. Aniya, “Kaya palagay ko, ito ang magbubukas, ito ang magiging pinto, sa mga movies na gagawa ng ganito. At sa tingin ko, mas maganda ito sa traditional.”

Photo: Noel Orsal

Bihira nang gumawa ng pelikula ang comedian-TV host na si Joey Marquez, pero hindi niya natanggihan ang alok na gawin ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Ang Tiktik ang kauna-unahang Tagalog movie na ang kabuuan ay ginamitan ng CGI (computer-generated imagery).

Ginagampanan ni Joey sa pelikula ang papel ng asawa ni Janice de Belen at ama ni Lovi Poe.

Si Dingdong Dantes ang bida ng pelikula at isa rin sa mga producers.

Kuwento ni Joey, “Ang kaibahan kasi ng movie na ito, na-curious ako kung paano nila gagawin lahat noong ipinakita nila ang storycon.

“Sabi ko, ‘Parang mahirap ‘to, a!'

"Kaya noong sinabi nila sa akin na CG, computer graphic, sabi ko, ‘Hindi pa handa ang Pilipinas diyan.’

“Noong makita ko ang set, sabi ko, ‘Dito ba lahat nangyayari? Hindi na tayo lalabas?’

“Kinulayan lang ng green. Pero yung room, malaking-malaki.”

Pero nagulat at bumilib daw si Joey nang makita na niya sa screen ang mga eksenang kinuhanan nila sa "green room."

“Noong lumabas sa computer at napanood ko, sabi ko, parang nasa ibang bayan kami.

“So, one-step upgrade ang cinema movie. Parang nag-upgrade tayo nang pataas.

“So, I got very surprised and shocked when I saw the trailer.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Joey sa opisina ng PostManila sa Makati City noong Miyerkules, September 5.



APPREHENSIVE AT FIRST. Aminado si Joey na noong unang ialok sa kanya ang pelikula ay nagduda siya kung magagawa ito.

Pero nawala ang kanyang pangamba nang makita niya ang mga eksenang kinunan nila.