“Parang hindi naman issue…[hindi] big deal,” sabi ni John Lloyd Cruz tungkol sa kanyang nakaraang interview sa The Buzz. Aniya pa, wala naman daw siyang ini-reveal tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban na hindi nakikita ng mga tao sa kanilang dalawa.

Photo: Noel B. Orsal

Wala mang malinaw na pag-amin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Angelica Panganiban, binasag na rin ni John Lloyd Cruz ang kanyang pananahimik tungkol dito.

Nangyari ito sa interview sa matinee idol at box-office star na ginawa ni Boy Abunda para sa ABS-CBN Sunday showbiz talk show na The Buzz, nung nakaraang Linggo, September 2.

(CLICK HERE to read related story.)

Tatlong araw matapos ng kanyang TV interview, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News si John Lloyd sa bloggers’ presscon para sa pelikula niyang The Mistress.


Ginanap ito noong Miyerkules, September 5, sa 9501 Restaurant ng Kapamilya network, at dito ay sinabi ng aktor na hindi "big deal" para sa kanya ang naging TV interview.

“Parang nakikita naman nung mga tao yun, e. Parang may mga salita lang akong binigkas…

“Parang hindi naman issue…[hindi] big deal.

“Parang hindi rin naman tanga ang mga tao. Makikita nila kung anong nakikita nila. Hindi naman sikreto yun.

“So, wala naman talaga akong ginawang revelation.”

Pagkatapos ng pahayag na ito ay hindi na nagpatuloy si John Lloyd ng tungkol sa kanila ni Angelica.

Sa halip ay pinili nitong magsalita tungkol sa pelikula nila ni Bea Alonzo na The Mistress, na siyang rason ng presscon para sa araw na iyon.

AGAINST MORALITY? Hiningi ng PEP ang reaksyon ng aktor sa mga nagsasabing taliwas sa moralidad ang pelikula nila ni Bea.

Tungkol daw kasi sa buhay ng isang kabit o mistress ang pelikula na nakatakda nang ipalabas sa September 12.

“Hindi naman sinasabi ng Star Cinema or ni Direk Olive [Lamasan] na ganito ang lahat ng story ng ganitong sitwasyon.  It’s just a movie.

“Si Inang [palayaw ni Direk Olive], si Vanessa [Valdez, nagsulat ng istorya] wants to tell a story.