news

Gardo Versoza happy to give advice to newcomers: “…dun mo makikita na interesado sila at hindi lang ang pumorma o ang magyabang ang purpose ng pag-aartista nila.”

by Ruel J. Mendoza posted on September 9, 2012  STATS: 5422 Views | 3 Comments

Pagkatapos gumanap sa magkasunod na drama shows ng GMA-7, balik-kontrabida si Gardo Versoza sa Aso ni San Roque. Nag-e-enjoy raw siyang gumanap na kontrabida: “Enjoy talaga ako kapag villain ako. Napaglalaruan ko kasi ang role, e.”

Photo By: GMA-7

Pagkatapos lumabas sa dalawang magkasunod na dramatic roles sa telebisyon, muling nagbabalik si Gardo Versoza sa pagiging kontrabida sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Aso Ni San Roque.

Sa naturang telefantasya ay gagampanan ni Gardo ang role na Kanlaon, ang namumuno sa mga aswang ng hangin at isa sa nais pumatay kay Fatima, played by Mona Louise Rey, para hindi matupad ang sinasabing propesiya na magtatapos sa mga masasamang elemento sa mundo.



ENJOYS PLAYING BADDIE. Sa press launch ng nabanggit na telefantasya last September 3 sa Studio 7 ng GMA Annex Building, naikuwento ni Gardo na na-miss niya ang gumanap na kontrabida.

Kaya noong ibigay sa kanya ang role bilang si Kanlaon ay mabilis niya itong tinanggap.

Huling napanood si Gardo sa afternoon drama series na Hiram Na Puso at bago iyon ay sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

“Nagpaka-dramatic actor muna tayo kasi,” nakangiting sabi ni Gardo.

“Ok naman, kasi para lang maiba. Hindi yung pare-pareho ang ginagawa ko.

“Binigyan ako ng mga projects na mate-test naman ang dramatic skills ko.

“Magkasunod na shows yun na hindi ako nag-prosthetics, walang costume at umiiyak ako sa eksena.

“Pero ngayon sa Aso Ni San Roque, balik tayo sa pagiging kontrabida.

“This time ako na ulit ang magpapaiyak!”

Huling gumanap na kontrabida si Gardo bilang si Rajah Mangubat sa epicserye na Amaya noong nakaraang taon.

Gayundin sa ilan pang series na tulad ng Luna Mystika, Kamandag, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Asian Treasures, Atlantika, at Sugo.

“Enjoy talaga ako kapag villain ako. Napaglalaruan ko kasi ang role, e.

“Kapag mabait ang role mo, kailangan may certain character ka lang na ginagawa. One dimensional lang.

“Unlike kapag kontrabida ka, may variations.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • jams_mom

    09/10/2012 | 05:39 PM
    Gardo became even more popular and credible as a kontrabida after his portrayal of Rajah Mangubat in Amaya... yet, i still find him very good when he plays a good guy like his past role in hiram na puso...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Dennisse_01

    09/10/2012 | 08:48 AM
    mas bagay talaga sa iyo ang kontrabida, sige, nga namin itong aso ni san roque...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pwearl135
    09/10/2012 | 01:13 PM
    I JUST WISH THAT HE ALSO TEACHES THIS NOTORIOUS ROOMLOCKER INDAY MARIAN FREAK REBERA HOW TO BE HUMBLE. SHE IS NOW FLOPSINA AND LAOSERA QUEEN. GOSH. SO PATHETIC... PALENGKERA, BUTANGERA AND PSYCHOLOGY QUEEN. HAHAHA
  • xianmeg

    09/10/2012 | 08:43 AM
    indeed, walang duda, magaling siya sa kontrabida roles... very effective...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About