4th Star Awards for Music winners: (L-R) Erik Santos, Song of the Year (“Kulang Ako Kung Wala Ka”); Angeline Quinto, Female Pop Artist of the Year (Fall In Love Again); Christian Bautista, Pop Album of the Year (Outbound) and Male Pop Artist of the Year (Outbound); Aiza Seguerra, Female Recording Artist of the Year (Songs from The Vault); and Jed Madela, Male Recording Artist of the Year (Breathe Again).

Photo: Allan Sancon

Well-attended at star-studded ang ginanap na 4th Star Awards for Music kagabi, September 9, sa Meralco Theater.

Ang parangal ay ipinagkakaloob ng Philippine Movie Press Club (PMPC), katuwang ang Airtime Marketing, Inc. nina Jose Howard, Jr. at Tessie Celestino-Howard. Mula ito sa direksiyon ni Al Quinn.

Um-attend at tumanggap ng kanilang parangal ang halos lahat ng winners, in major and minor categories.  

Bilang opening number, kumanta sina Yael Yuzon ng Sponge Cola, Juris, Jed Madela, Sam Milby, Erik Santos, Christian Bautista, Bamboo, at ang Ryan Cayabyab Singers ng mga nominated Songs of the Year.

Ang Song of the Year ay napanalunan ni Erik para sa kanta niyang "Kulang Ako Kung Wala Ka" ng Star Records.



TOP WINNERS. Nanalong Male and Female Recording Artists of the Year sina Jed Madela at Aiza Seguerra, respectively. 

Si Jed ay nanalo para sa kanyang album na Breathe Again ng Universal Records, at si Aiza para sa Songs From The Vault ng Star Records.

Sa naunang tatlong taon ng Star Awards for Music ng PMPC ay nagwagi na rin ng awards sina Jed at Aiza.

Jed was also last year's Male Recording Artist winner. Si Aiza naman ay nanalong Female Acoustic Artist for 2009 and 2010.

Napili ring Best Acoustic Album ng 2010 ang Aiza Seguerra Live, at ang The Classics Album ni Jed ay nanalong Best Revival Album that year.

Top winners din kagabi, sa mahigit isang kategorya, ang bandang Sponge Cola, ang grupong Wonder Gays, at sina Martin Nievera, Noel Cabangon, at Christian Bautista.

Nanalo ang 10-year-old rock band na Sponge Cola ng Best Male Rock Artist award para sa Araw Oras Tagpuan na itinanghal ding Album of the Year. 

Sa female rock artist category ay nagwagi si Yeng Constantino for Yeng Versions Live (Star Records), her second Star Music trophy after winning the Album of the Year 2010 for Lapit.



LIFETIME ACHIEVEMENT. This year's Lifetime Achievement Award was given to Jose Mari Chan.

Si Christian Bautista ang lone male singer sa tribute number para sa veteran balladeer-composer; kasama sina Angeline Quinto, Princess Velasco, at Yeng Constantino. 

Nanalong Male Recording Artist of the Year noong 2010 si Christian for his Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan, na revival ng mga pinasikat na awitin ni Jose Mari.

Last night, muli ring ipinarinig ng mahuhusay nating singers ang well-loved hit compositions ni Jose Mari, tulad ng "Afraid for Love To Fade,” “Can We Just Stop and Talk A While,” "A Love To Last A Lifetime,” "Tell Me Your Name,” "Beautiful Girl," at "Be Careful With My Heart.”