Kitang-kita ang matinding kagustuhan ni Arjo Atayde na gumawa ng pangalan sa showbiz. Sabi ng anak ng aktres na si Sylvia Sanchez, “I guess, kapag binibigyan naman ako ng trabaho, I give my 101 percent. At saka, ang ginagawa ko naman po ngayon, everytime na may show, I try to learn everything—acting, nuances... lahat.”

 

Photo: Noel Orsal

Unang napanood ang Star Magic talent na si Arjo Atayde sa priemtime series ng ABS-CBN na E-Boy early this year, ngunit mas nagmarka sa mga manonood ang pagganap niya sa "Bangka" episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) noong June.

Ayon sa anak ng aktres na si Syvia Sanchez, malaking bagay ang ginawa niya sa episode na iyon ng MMK dahil nagdaan muna siya sa audition bago siya nakuha.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa TJ’s Restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kamakailan.

Kuwento ni Arjo tungkol sa audition niya sa MMK, “Hindi ko na po ime-mention pero apat po kaming pinagpilian. Mga kilala na po kasi ang iba.

"Unexpected po talaga ang given project na yun.

“Talagang noong nag-audition po ako for that one, hindi ko po siya ine-expect, e.

“Akala ko, noong binanggit sa akin ang mga kasama ko about getting the role, I wasn’t expecting to get in.

“Parang para sa akin siguro, parang natsambahan lang siguro na nabigyan ng break for MMK and eventually, nakuha ko rin.”



BIGGER PROJECT. Naghahanda na ngayon si Arjo sa kanyang susunod na teleserye at mukhang mas malaking papel ang kanyang gagampanan dito.

Pauna niya sa PEP, maingat siyang magbanggit ng mga bagay na baka hindi pa puwedeng sabihin.

Sabi ni Arjo, “It’s a teleserye with Ejay Falcon po. Magte-taping na rin kami sa October.

“Tapos po, we are preparing na po. Action-drama po siya pero actually, hindi ko pa po puwedeng ibigay ang title.

“Yung action, po, never done it pa po. So, yun po ang challenge.

“Pero ang dami na rin po naming preparation for this month, mixed martial arts na training.

“Yung drama naman po, I think it’s my forte.”

Dahil sa malaking project na ito, huminto muna si Arjo sa kanyang Entrepreneur course The One School sa Makati.