Nadismaya si Janelle Manahan sa pagkaka-dismiss ng mga reklamong murder at frustrated murder na inihain niya sa Parañaque City Prosecutor's Office laban kina Gail Bautista, kapatid ng napaslang niyang nobyo na si Ramgen Revilla, at Takahiro Furuyama, asawa ni Gail.

Photo: Noel Orsal

Halos isang taon na ang nakalilipas mula nang paslangin ang aktor na si Ramgen Revilla sa loob mismo ng tahanan nito sa BF Homes, Parañaque City, noong October 28, 2011.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang pumatay o kung sino ang utak sa likod ng kanyang pagpatay.

Noong Miyerkules, September 5, ay naabsuwelto ang dalawa sa suspek: ang kapatid niyang si Gail Bautista at ang asawa nitong si Takahiro Furuyama.

Na-dismiss ang reklamong murder at frustrated murder laban sa mag-asawa dahil mahina ang ebidensiya laban sa mga ito.  

Hindi naman naitago ni Janelle Manahan ang pagkadismaya sa pagka-absuwelto nina Gail at Hiro.

Si Janelle ang kasintahan ni Ramgen na nagtamo rin ng tama ng baril sa mukha at balikat nang maganap ang krimen.

Sa taped interview ng The Buzz kay Janelle na ipinalabas kahapon, September 9, ay isiniwalat nito ang kanyang saloobin tungkol sa kinahinatnan ng kaso.

Aniya, “Siyempre, una naming na-feel, nainis. 

“Siyempre, parang hindi naman yata fair na ganoon ang nangyari pero in-expect ko na rin. 

"From the very beginning talaga, meron na rin nagsabi sa Prosecutor’s Office na huwag na lang idamay sila Gail.

“Parang okay na lang daw, kung sino ang nakasuhan, yun na lang.  

“Kawawa naman daw ang family kung lahat na lang, kakasuhan.”

Ipinaliwanag naman ni Janelle na ibang reklamo ang isinampa nila laban kay Gail at sa asawa nito—at yun lang naman daw ang na-dismiss ng korte.

Saad niya, “Hiwalay naman ang case nila Gail doon sa na-file talaga na kaso, yung original. 

“So, hindi lang kasi naisama si Gail at saka yung asawa niya dun sa list of suspects sa naunang case talaga.