Nagkaroon na rin ng mukha at pangalan ang sinasabing masugid na manliligaw ngayon ni KC Concepcion.
Ilang beses na kasi silang nakitang magkasama, tulad ng isang kuha nila sa Boracay.
Sa talent show naman na hinu-host ni KC sa ABS-CBN, ang X Factor Philippines, nakuhanan din ang misteryosong lalaki na nakaupo sa audience sa loob ng Pagcor sa may Parañaque City.
Sa The Buzz kahapon, September 9, hindi na nakatanggi si KC nang tanungin at usisain tungkol sa non-showbiz guy na ito.
Ang lalaking ito raw ang bagong nagpapasaya sa actress-TV host pagkatapos ng breakup nila ni Piolo Pascual last year.
Ang pangalan ng lalaki ay Pierre Emmanuel Plassart, isang 29-year-old French photographer at filmmaker.
Nanggaling daw si Pierre sa isang mabuting pamilya na may pag-aari dating isang supermarket empire.
Nakalibot na raw si Pierre sa iba’t ibang film international festivals abroad, at nagkakilala raw sila ni KC sa isang international event.
Ayon kay KC tungkol kay Pierre, “He’s a visitor from France and yun!”
Matatandaang tumira ng ilang taon si KC sa Paris, France, kunsaan siya nagtapos ng kolehiyo.
SPECIAL SOMEONE. Gaano ka-special si Pierre para kay KC?
“Espesyal talaga?” balik-tanong ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
“Espesyal naman at itinuturing niya akong special.
"Siyempre, I appreciate naman.
“Malaking bagay sa akin na nagpunta siya sa bansa natin para bisitahin ako... para puntahan ako kahit na ang layo-layo ng pinanggalingan niya.”
UNIQUE GIFT. Inamin din ni KC na may kakaibang regalo sa kanya si Pierre.
Hindi raw ito diyamante o anumang uri ng alahas, pero siguradong makinang ito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
18 sweetum
17 bessie31
16 slickchick02
15 fecatada
14 ako_kenkoy
13 proudtobepinoy
12 callmekeylee
11 Imnaldrix
10 empress_mortal
9 flightforge29
8 larisse
7 eniforever
6 lynn_q8
5 larisse
4 kagandahantalaga
3 pearl102
2 purplebaguiocats
1 wa2
more comments