Bukod sa apat niyang TV shows, may album na inilabas si Jennylyn Mercado. Kaya lang, wala raw siyang time para mag-promote kaya hindi ito ang focus niya sa ngayon.

Photo: Noel Orsal

Bagamat busy sa kaliwa’t kanang proyekto si Jennylyn Mercado, hindi ito kakikitaan ng pagod sa kanyang mukha.

Bukod kasi sa inspirado ito dahil sa anak niyang si Jazz, masaya rin ang kanyang puso dahil kay Luis Manzano.

Noong huling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso star, umayon siya nang sabihing “lucky charm” niya ang kanyang boyfriend.

“Baka,” ang sagot niya nang may ngiti. (CLICK HERE to read story)

“Thank you” naman ang reaksiyon ng binata sa isang hiwalay na panayam. (CLICK HERE to read story)

Pero kahapon, September 10, siguradong-sigurado ang host-singer-actress nang sabihing, “Lucky nga siya!”

Dagdag sa apat niyang TV shows kasi ang isang endorsement contract with Belo Medical Group, kung saan napili siyang dalhin ang produktong I.V. Glutathione.

Kaya naman, kahit pa madalas itong nagbibilad sa araw, hindi nangingitim ang balat ng first female winner ng StarStruck.


HER OTHER PASSION. Dito na pumasok ang kanyang pagkahilig sa sports.

Lingid sa kaalaman ng marami, minsang nahilig sa Jiu Jitsu, isang klase ng martial art at combat sport mula sa Brazil, si Jennylyn.

Dahil dito, lumaki ang kanyang body frame.

Aniya, “Nag-gain ako ng weight and lumaki yung shoulders ko, pati braso ko.”

At para pumayat, na-engganyo siya ni Luis na subukin ang triathlon.

Sabi ni Jen (palayaw ng H.O.T. TV co-host), “Dun ako… dun ko nilagay lahat ng time ko para talagang mag-trim down.”

“Time and determination” daw ang kailangan para araw-araw, “puwede mo siyang gawin” kahit pa marami kang ibang pinagkakaabalahan.

Ganito rin ba ang pananaw ni Jennylyn sa relationship?