Kamuntik na palang lumipat ng network noon ang Kapuso na si Chynna Ortaleza. Lahad niya, “Nagkaroon na ng close calls, na ayoko nang pumirma, gusto ko nang maghanap ng ibang… kasi gusto ko lang naman trabaho, e. E, minsan, pati trabaho, wala, so nade-depress ako.”

Photo: GA Granali

Madalas makitang naglalagare sa mga taping si Chynna Ortaleza para sa ilan niyang commitments sa GMA-7.

Sa showbiz lingó, ang "lagare" ay ang paggawa at pagsu-shooting ng isang artista ng dalawa o higit pang projects.

Kamakailan ay halos sabay nagte-taping si Chynna para sa Luna Blanca at Sana Ay Ikaw Na Nga.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa ginagawa niyang ito.

“Okay naman siya! Sabi ko nga, minsan lang mangyari ‘yan.”

First time ba niyang maglagare?

“Hindi, first time in a long time!

"Sanay naman ako, pero like this time around, kasi ibang klaseng lagare ang ginawa ko, e.

“Kasi hindi lang Luna Blanca, hindi lang Sana Ay Ikaw Na Nga, may indie kami na ginawa, Menor de Edad with Direk Joel Lamangan, and Basement with Topel Lee, with GMA Films.

“Alam mo yung nagdi-distribute sila ng indie films? Ganun, so iyon.”



WEDDING PLANS. Maraming nakakaalam ng relasyon ni Chynna sa boyfriend niyang si Railey Valeroso.

Hindi tuloy maiwasang itanong kung wala pa rin silang balak magpakasal ng boyfriend.

“I’m so tired of the question!” sabay tawa muli ni Chynna.

“Ano kasi, madami pa siyang kailangang gawin, madami pa akong ginagawa so parang... teka lang.

“At saka kung mangyayari, e, di mangyayari.”