Usap-usapan ngayon sa Internet ang Instagram photo ni Angelica Panganiban kung saan may suot na diamond ring ang kanyang daliri. Ang caption ng larawan na ito ay: “Shooting... Bagay pala ang long nails sakin. Pero d ko ma maintain! Masyadong pa gurl,”

Photo: Noel Orsal / Angelica Panganiban's Instagram account

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang lumabas ang balita na diumano'y niregaluhan ni John Lloyd Cruz si Angelica Panganiban ng Mercedes Benz SLK350, na nagkakahalaga raw ng P5.1 million.

Nagsimula ang balita tungkol dito nang mag-post ng photo collage si Angelica sa kanyang Instagram account noong August 28.

Sa photo collage na ito ay makikita ang tatlong litrato: ang aktres habang nakaupo sa tila driver’s seat ng isang kotse, ang logo ng Mercedez Benz na nakaukit sa manibela, at ang digital instrument panel sa dashboard ng sasakyan.

(CLICK HERE for related article.)

Noong Biyernes, September 7, ay muling nag-post ng isang larawan si Angelica sa kanyang Instagram at Twitter accounts na naging topic of discussion na naman ng mga netizens.

Sa larawan ay makikita ang isang kamay ng babae at sa palasingsingan o ring finger nito ay may nakasuot na isang diamond ring.

Ang caption na inilagay ni Angelica sa naturang larawan ay ito: “Shooting... Bagay pala ang long nails sakin. Pero d ko ma maintain! Masyadong pa gurl”

REACTION FROM NETIZENS. Habang isinusulat ang artikulo na ito’y may 228 comments na ang naturang larawan, at iba’t iba ang naging reaksiyon ng mga followers ni Angelica tungkol dito.

Narito ang ilan sa kanila:

airanaja17: "Kontrobersyal na nmn!”

justmhyne: "di nails napansin ko teh ang ring..... hummm ;-)”

paolovesme: "@iamangelicap kapaG may singsing engaged agad? Di ba pedeng props lang para da continuity?”

Sa lahat ng mga komento ay ito ang higit na nakapukaw ng pansin:

rhey_bevz: "Ive watched the kristv episode kanina with jlc and bea... Bea said may friend sila na nagbebenta nang diamonds and jlc was looking at it... Kung wala lang cyang movie and props lang yang ring nya i would assume bigay ni jlc yan... Just saying... I love you both angelica and jlc!”