Sinabi ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na habang hinaharap niya ang problema sa kalusugan ay nasa isipan niya ang yumaong Comedy King na si Dolphy. Aniya, “I know that your spirit is always around me, and it makes me strong, it’s very comforting.”

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos ng halos isang buwan na pamamalagi sa Amerika, nitong Setyembre 7 ay bumalik na ng Pilipinas si Zsa Zsa Padilla.

Pumunta ng Los Angeles, California si Zsa Zsa upang kumuha ng second opinion tungkol sa nakitang bukol sa kanyang kidney na kasing laki ng golf ball.

Sa una kasing pagsusuri sa singer-actress ay na-diagnose siya na may Stage 1 kidney cancer. (CLICK HERE for related article.)

Noong Agosto 27 ay inoperahan si Zsa Zsa upang alisin ang polyp sa kanyang kidney, at upang alamin kung malignant nga ba ito.

Makalipas ang ilang araw, masayang ibinalita ng Divine Diva sa kanyang Twitter account na benign ang nakuhang bukol sa kanyang kidney. (CLICK HERE for related article.)

Matapos makabalik ng bansa, ang unang live TV appearance ni Zsa Zsa ay nangyari kaninang umaga, Setyembre 12, nang mag-guest siya sa Kris TV.

Kasama ni Zsa Zsa na nag-guest ang mga anak niyang sina Karylle at Zia.

Ang host ng show na si Kris Aquino ay isa sa malapit na kaibigan ng Divine Diva.



EXPECTED RESULT. Sa panayam ni Kris, muling sinariwa ni Zsa Zsa ang araw na nagpakonsulta siya sa Amerika, kung saan nalaman niya ang kanyang kundisyon.

Kuwento ng singer-actress, “Yung ano na, sa check-up ko, kasama si Zia at saka si Dra. Vicki.

“[It was] in the U.S. I went there for a second opinion.

"Sabi sa akin, 'it’s malignant.' Yung parang sabi niya, 'From the looks of it, malignant.'

“Tapos... 'So, tama ba yung naririnig ko, malignant? Ibig sabihin cancer ‘yon.'

"Sabi ko, ‘Does that mean I have cancer?’

"Sabi niya, ‘Yes.’ Ganun lang sila kaano…

“It is cancer. Pero dinisclose din nila na there’s still hope na it is not cancer.”