news

Zsa Zsa Padilla returns to the country cancer-free

by Joyce Jimenez posted on September 12, 2012  STATS: 30871 Views | 7 Comments

Sinabi ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na habang hinaharap niya ang problema sa kalusugan ay nasa isipan niya ang yumaong Comedy King na si Dolphy. Aniya, “I know that your spirit is always around me, and it makes me strong, it’s very comforting.”

Photo By: Noel Orsal

Ngunit malaking bagay daw para sa Divine Diva na bago pa man siya magtungo ng Amerika ay naisip na niyang maaaring mayroon nga siyang cancer.

Kuwento pa ni Zsa Zsa, “Tapos si Dra. Vicki, sabi niya, ‘How could you be so calm? Kung ako ‘yon, talagang nag-iiyak na ‘ko.’

"Kasi she was waiting for my reaction, e.

“Sabi ko, ‘Okay.’ Gano’n lang ako, gano’n lang ako kakalmado because I entertained the thought na nga in ano…

“Kasi Kris, sometimes, di ba, I’m an overthinker? Talagang I’m so many steps ahead already.

“Ang principle ko kasi nun, para kung dumating ‘yon, hindi na ganun kasakit, kasi na-entertain ko na yung idea."



THE SAD NEWS. Matapos ang kanyang check-up, agad na ibinalita ni Zsa Zsa ang findings sa kanya ng doktor sa panganay niyang anak na si Karylle.

Inamin ni Karylle na halos bumagsak ang mundo niya nang sabihin ng kanyang mommy na “malignant” ang polyp sa kidney nito.

Pag-alala niya, “Uhm, she just texted me, ‘It’s malignant,’ and I didn’t know what to say naman, di ba, kasi andito ako, e.

“But yung time talaga na nag-react ako, when she called me in ASAP, sabi niya, nagdyu-joke pa nga ako, e, ‘Call me, maybe.’

“Tapos sabi niya, ‘I have a growth...’ growth pa lang nun, e, and dun parang gumanun yung mundo ko.

“Parang nakaupo ako sa mga props doon sa ASAP, tapos dumadaan yung mga tao... malapit na, e, last gap na, e, tapos umiiyak ako.

"Then si Tito Gary [Valenciano], ‘Are you okay?’

"‘Yeah...’ pero ibinabalita niya sa akin ‘yon.

“So, yun talaga yung time na parang hindi ko masyadong matanggap yung mangyayari, e.

“So, nung time na sinabi niyang malignant, parang medyo tanggap ko na.

« Prev  1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • pinaskongmahal

    09/13/2012 | 06:34 PM
    zsa please lang tumigil na kayo dahil hindi ma maktotohanan ang mga pinagsasabi mo . nagka publicity ka na kaya tama na.binigyan mo na rin ng publicity si belo at ang mga anak mo kaya please lang tama na.ENOUGHhhhhhhhh.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    coffeestate
    09/14/2012 | 10:26 AM
    isa ka pa. pag nagmatay ka walang makikiramay sayo.
  • FirstPrincess

    09/13/2012 | 02:54 AM
    Mga Pilipino talaga... ginagawang big deal ang minor na sakit ni Zsa Zsa. Juice ko...ilang weeks nang ginagawang issue... padasal dasal pa, panawagan para magdasal, parang mamamatay na. Juice ko talaga. More fun in the Philippines.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    Monicafer
    09/13/2012 | 08:56 AM
    Kung Ikaw ang magkaroon ng polyp na kasing-laki ng golf ball, magsasaya ka ba?
    coffeestate
    09/13/2012 | 10:48 AM
    hayaan mo girl, pag ikaw nagkaroon ng cancer... hindi ka namin ipagdadasal.
    madam01
    09/13/2012 | 03:54 PM
    wish granted. nobody will care for you
  • almond143

    09/12/2012 | 11:54 PM
    Nice episode kanina. But I notice recently, Kris TV tinatabunan pilit ang The Buzz. Laging Kris gets the scoop. Nagiging showbiz-oriented show. Ilang beses nang nauuna si Kris like break-ups, pag-amin, namatay na artista, and other major updates sa showbiz. Then Kris has Chiz na parang Boy Abunda although different level....Naglipatan ba staff ni Kris from The Buzz sa Kris TV? But I like yung format like kanina sila Zsa zsa and daughters. Meatier ang show kasi live na nagsasalita yung mga guests. Ala Inday Badiday na showbiz talkshow. Sana ibalik yung panel of artistas and they talk. Kaya boring na ang The Buzz kasi madalang ang live interview puros taped interviews. Alisin lang yung birthday greetings and thank you sa sponsors. It cheapens the show. Sa Pinas lang daming greetings. Sa American shows you dont see those beso-beso. Dapat off cam pa lang, they do that. Pag nakasalang na do what they need to do. My thoughts :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    madam01
    09/13/2012 | 03:52 PM
    of course dahil daily show ang kris. mas pangit naman kung ang kris tv ang kukuha ng scoop sa the buzz e di history na yon noh. kaya nga pinapanood ang kris tv dahil sa ganyang format
  • haremumu

    09/12/2012 | 07:55 PM
    the "show" must go on! ika nga. Ms. Padilla, alam ng lahat ang pagiging strong-willed person mo kasi nakayanan mong lahat ang dagok sa buhay mo.. there's always a silver-lining that comes your way. always have faith in GOD....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    09/12/2012 | 05:11 PM
    good to know your free cancer na ms.zsa zsa....god bless.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Concern063

    09/12/2012 | 04:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Concern063

    09/12/2012 | 04:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About