Sinabi ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na habang hinaharap niya ang problema sa kalusugan ay nasa isipan niya ang yumaong Comedy King na si Dolphy. Aniya, “I know that your spirit is always around me, and it makes me strong, it’s very comforting.”

Photo: Noel Orsal

Habang si Karylle naman, malaking bagay para sa kanya na mapagbigyan ang hiling ng ina na makapagbakasyon sila sa darating na Pasko.

Ngayon pa lamang daw ay inaalam na nin Karylle kung kailan ang Christmas vacation nila, at inaayos na ang mga gagawin niyang leave.

Pambubuko naman ni Zsa Zsa sa panganay na anak, “Sa amin kasi, siya yung may pinakamaraming schedule, grabe!

“Always na lang talaga, si K, kapag yayayain mo magbakasyon, mga six months kailangan. ‘K, puwede ba tayong mag-vacation ng December?’”

Sumunod naman na tinanong ni Kris kung ano ang naisip ni Karylle na sabihin sa ina noong mga panahong nasa panganib ang buhay ng ina nito.

Kadalasan daw kasi, kapag nanganganib ang buhay ng mga mahal natin ay naiisip natin ang mga bagay na nais nating iparating sa kanila.

“Hindi ko inisip!” umiiling na tugon ni Karylle.

“I didin’t want to think that way kasi.”

Kaya naman hiningi na lamang ni Kris ang mensahe nito para sa ina.

Pero bago ang mensahe sa ina’y nagpasalamat muna si Karylle kay Kris, na siyang tumulong sa kanya upang makapunta ng Amerika bago ang operasyon ni Zsa Zsa.

At saka siya nagpatuloy sa nais sabihin sa ina: “I’m just so proud of you.

"Palagi nga naming sinasabi, you’re the top of the eighth floor, kasi nasa eighth floor nga kami.

“Tapos pag naglalakad siya, ang bilis-bilis niyang maglakad, kahit sabihin na, ‘Gising ka ng seven a.m.,’ magigising siya, model ano ‘to... patient.

“I can’t understand how fast it was na bigla kang uuupo, but we celebrate all those little victories—uupo, magbe-burp, magtsi-change ng diet.

“I know you’re being strong for all of us. But I also wanna say na it’s okay for you to take a rest every once in a while, because we can be strong for you too.