Sinabi ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na habang hinaharap niya ang problema sa kalusugan ay nasa isipan niya ang yumaong Comedy King na si Dolphy. Aniya, “I know that your spirit is always around me, and it makes me strong, it’s very comforting.”

Photo: Noel Orsal

“I’m just happy, you know, she’s been laughing and sometimes it hurts her.

"But I hear that same laugh that I used to hear. She goes, ‘Haha, don’t make me laugh,’ kasi masakit, masakit pa sa tiyan niya.

“But, you know, you’re back and I know that God will completely heal you.

“Everyone is praying for you, we love you.”



MISSING DOLPHY. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang longtime partner ni Zsa Zsa na si Dolphy.

Sabi pa nga ni Kris, minsa’y narinig niya na sinabi ng kaibigan na “It has been forty days. Now, it’s almost a month,” patungkol sa pagpanaw ng kabiyak ng Divine Diva.

Katulad pa rin ng dati, kinakausap pa rin daw ni Zsa Zsa si Dolphy na tila kasama niya lamang ito sa kuwarto.

Ang mga kuwentuhan daw nila ng Comedy King ang pinaka nami-miss ng Divine Diva.

“I talk to him every day, e,” nakangiting sabi ni Zsa Zsa, bagamat bakas ang kalungkutan sa mga mata nito.

“Like nung pag-uwi ko lang, sabi ko, ‘So, what do you have today?’

"That’s what he would always tell me, ‘What do you have today?’

"‘I didn’t know what I have today, I’m on leave.’ Gano’n, para kang tanga na kausap ko lang siya.

“So ako din ang sumasagot, nai-imagine ko na kausap ko siya. Every day ganyan.”

Tinanong naman ni Kris kung ano ang gustong sabihin ni Zsa Zsa kay Dolphy, lalo na matapos ang kanyang mga pinagdaanan.

Ani Zsa Zsa, “I know that your spirit is always around me, and it makes me strong, it’s very comforting.

“Ang sabi ko sa kanya, 'Lovey, ‘yon na nga, dati hindi naman twenty-four-seven nasa isip kita. Pero siyempre ngayon talaga, with everything that I do, you will be proud of me, of the girls, of everyone that you love.'