“And palagi niya kaming gabayan sa lahat ng gagawin namin sa buhay.
“I always pray to him, I started meditating, and kaya siguro ako nagkaroon ng positive outlook sa buhay.”
INVEST ON YOUR HEALTH. Bago magtapos ang programa, pinasalamatan ni Zsa Zsa ang mga taong sumuporta sa kanya sa oras ng kanyang pangangailangan.
Una na raw diyan ang kanyang mga kapamilya na dumadalaw o hindi kaya’y tumatawag sa kanya araw-araw upang kamustahin siya.
Pinasalamatan din niya si Dra. Belo na sumagot ng pagpunta nila sa Amerika at gayundin sa gastusin nila sa kanilang tinuluyan doon.
Bawat appointment niya nga raw sa doktor ay sumasama si Dra. Belo.
Idinagdag pa ni Karylle na madalas niyang makita ang cosmetic surgeon na naro-rosaryo.
Nagbigay rin ng paalala si Zsa Zsa sa mga tao na pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Aniya, “Talagang kailangan ano… kapag nanonood ka ng show sa Amerika, talagang it's all about wellness, lahat talaga nag-iingat sa pagkain.
“Maganda yung isang konsepto na napanood ko, sabi nila, bakit daw hindi natin itrato yung nilalagay natin sa loob ng bibig natin as an investment for our body.
“Dahil nga naman we invest sa hitsura natin, sa binibili nating mga damit, sapatos, bags, ganyan, pero kumakain tayo ng halos basura.
“Lalo tayong mga Pinoy, ang hilig natin sa comfort food.
"Hindi naman sa ano… well, basura lang ang term in a sense na you know it is bad for you, but it’s so comforting, e.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
7 pinaskongmahal
6 FirstPrincess
5 almond143
4 haremumu
3 shidax
2 Concern063
1 Concern063