news

Lian Paz confirms separation from husband Paolo Contis; says it was Paolo who decided that they separate

by Rose Garcia posted on September 13, 2012  STATS: 424756 Views | 79 Comments

Lian Paz on separation from Paolo Contis: “Hindi ako puwedeng parang eng-eng na mahinang klase na iiyak na lang forever. Oo, kailangan umiyak talaga ako. Araw-araw po akong umiiyak, hindi pa rin nauubos ang luha ko. Pero yung mga anak ko, kailangan kong maging matatag para sa kanila. Pero yung door ko, nakabukas lang po. Maghihintay lang po ako sa kanya. Sana po. Mahal na mahal ko po ang asawa ko.”

Photo By: Rose Garcia

Kinumpirma ng dancer-actress na si Lian Paz ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Paolo Contis pagkatapos ng halos apat na taong pagsasama.

Matagal na raw pinaplano ng dating miyembro ng EB Babes na makaharap ang ilang entertainment press, simula pa nang magbalik-showbiz siya sa pamamagitan ng fantaserye ng TV5 na Enchanted Garden.

Nataon namang kung kailan nai-schedule ang pocket interview ni Lian kagabi, September 12, sa Romulo’s restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City, saka may pumutok na balitang may pinagdadaanan daw ang pagsasama nila ni Paolo.

May blind-item report kasing lumabas na isang mag-asawa raw ang nagkakalabuan dahil patuloy pa rin daw sa pambababae ang mister.



SEPARATION RUMOR. Nang tanungin kung kumusta na ang kanyang pamilya, sumagot si Lian ng, “Okay naman po.”

Pero halata sa mga mata niya ang kalungkutan.

Ito ang nagbigay ng hudyat sa press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), upang usisain si Lian kung ano nga ba ang tunay na saloobin niya.

Nang tanungin kung bakit may balitang hiwalay na sila ni Paolo, tumango si Lian bilang pagkumpirma sa lumabas na balita.

“Malalaman din naman po,” sabi niya.

Pero magkasama pa rin daw sila sa iisang bahay.

“As of now, we are. We are still living together, pero soon… eventually.”

Ang ibig sabihin ni Lian ay maghihiwalay na sila ng tirahan.

Si Paolo raw ang nagdesisyon na si Lian ang maiiwan sa bagong bahay na ipinagawa nila sa Pasig City.

Kay Lian din titira ang dalawa nilang anak na babae ni Paolo na sina Xonia Aitania at Xalene Abriana.

Saad ni Lian, “Siyempre po, ayaw rin naman niyang umalis kami dahil binili rin naman niya ang bahay na yun para sa amin. 

“So, doon po kami sa bahay. At siya po ang aalis para makapag-isip-isip.”



IN LOVE. Marami ang nagulat sa naging pag-amin ni Lian na hiwalay na sila ni Paolo. Kailan lang din kasi inamin ni Paolo sa publiko na kasal na sila ni Lian sa Huwes. 

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

79 Comments

  • 39  icoi

    09/13/2012 | 07:39 PM
    It was too much too soon for Paolo. I think he missed his old life , no responsibilities, good time here and there. Changing nappies and mounting expenses must have drowned him...babaw naman kung ganon. Di naman bed of roses ang pag-aasawa no.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  Mute19

    09/13/2012 | 07:17 PM
    M feel sorry for the kids : panu na ung vows ninyo na for richer or poorer ;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  jagjof

    09/13/2012 | 07:08 PM
    ang labo ng sagot ni Lian....hinid ko tuloy maintindihan yung artikulo....lol! ang naiintindihan ko lang ay naghiwalay sila dahil sa budget or something.......budget ba talaga kaya naghiwalay? napaka-babaw na dahilan. napakahinang lalaki kaya humiwalay ay dahil lang sa nahihirapang itaguyod ang pamilya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  winklebee

    09/13/2012 | 06:05 PM
    naku ang babaw naman ng dahilan?? e ung iba nga daming anak maliit sahod pero di naghihiwalay hapi family pa din.. siguro super luho ng family nio siempre maraming gastusin. i know malaki sahod ni paolo, saka i guess gusto lang ni lian paz mag artista dahil.. dancer lang sia dati now mag aartista na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  lotuss

    09/13/2012 | 05:36 PM
    Paano na kaya kung 14 ang anak ni paolo .. baka magbigti na yan !!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  BERNARD2010

    09/13/2012 | 05:33 PM
    Si PAOLO nakakasanayan na yata na sya ang nang-iiwan ng babae?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  humandynamics

    09/13/2012 | 04:44 PM
    Maraming income hindi ibig sabihin maraming pera.. Pilipino style, isa ang kumikita ng pera isang dosena ang palamunin na sinusuportahan.. Kaya marami rin tayong kababayan na OFW na sa tinagal tagal nila sa trabaho walang naiiipon dahil pwera sa mga anak nila kasama rin ang mga kapatid at magulang sa mga buhat nila.. And Paolo is no different from the rest of 'em.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  almond143

    09/13/2012 | 04:43 PM
    see, your love can't stand problems in money? mabuti pa yung mga mahihirap hehe. kasi foundation nyo, L lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  pipay_ganda

    09/13/2012 | 04:28 PM
    awwww. so sad...: anliliit pa ng mga bagets...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  youshouldknowbynow

    09/13/2012 | 03:41 PM
    napaka immature naman ng paolo na yan, buti nalang hindi sila nag katuluyan ni isabel oli.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jagjof
    09/13/2012 | 07:47 PM
    hindi kasi siya naka-isa kay Isabel Oli kaya nya iniwan ni Paolo at si Lian ay rebound nya ..... ayun nag-anak at nagsama kaagad. Sana mas naging wise si Lian tulad ng pagiging wise ni Isabel Oli......
  • 29  amayabai

    09/13/2012 | 03:21 PM
    both paolo and lian are big income earners magkaka problema pa eh pano nalang kaya ang mahihirap nating kababayan na may pamilya. hay nakuh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  amayabai

    09/13/2012 | 03:14 PM
    anu ba yan, walang kwentang pagsasama. as usual, laging kawawa ang anak o mga anak nila. really really sad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  ilyang

    09/13/2012 | 03:03 PM
    you're pretty and young, move on. mag lumuhod ka sa 3 networks para bigyan ka ng work at paghusayan mo para sa future niyo ng mga anak mo. wag ka ng umasa na magbabago pa ang asawa mo chickboy yan at iresponsable for life na yang attitude niyang iyan, hayaan mo ng ibang babae ang mag-suffer. pag nagawa mong maging maayos buhay mo at still very pretty at yummy ka tingnan natin kungdi magkadarapa kang balikan ng hunghang na yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lefty
    09/13/2012 | 03:06 PM
    TAMA!
  • 26  minute860

    09/13/2012 | 02:57 PM
    easy ka lang lian,kung ayaw sau wag mo ipilit sarili mo.hingan mo lang ng sustento at magbuhay reyna ka.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    czeska221
    09/13/2012 | 09:47 PM
    Anung klaseng advise to?
  • 25  jakar

    09/13/2012 | 02:50 PM
    Sa mga mag asawang pabiglabigla ng desisyon may mga pagsubok na darting na halos di na nila makaya akala Nila puro ligaya Lang pagdumating ang mga anak Ang mawawala Naman ang time para sa isat isa... Nasobrahan sa love dapat balance Lang... Lahat ng Bagay na sobra ay nakakasama... Goodluck Sana maayos pa... Nalulungkot ako kapag nababalita ang isang dating masayang pamilya at masisira ng walang dahilan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  purplebaguiocats

    09/13/2012 | 02:47 PM
    yan ang hirap ng nagpapadala sa unang phase ng attraction, akala nila kapag punung puno ng kilig e yun na yung gusto nilang pakasalan. mahirap pa naman sa showbiz napapaligiran sila ng maraming magaganda at gwapo, madaling mabaling agn atensiyon. kaya ang dalang na lang sa kanila ang tumatagal ang relasyon. hay, buhay artista nga naman, buti na lang talaga di ako tinanggap ni kuya germs sa that's entertainment.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  dospoako

    09/13/2012 | 02:12 PM
    poor liam...sana maayos nyo pa yan..sayang ang family! ano naman kaya ang dinadamdam ni paolo? pwede naman siguro nilang pag-usapan yan bilang mag-asawa..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    dospoako
    09/13/2012 | 02:13 PM
    -lian
  • 22  lefty

    09/13/2012 | 02:06 PM
    hay naku paolo padalos dalos kc sa nga disisyon..remember ko pa na maraming pepster ang kumukutya sa maaga nilang engaged ng ka be break pa lang ni pao noon ke isabel oli..wla pa ngang tatlong araw engaged na sila ni lian..heto naman si babae sunggab kaagad hindi muna sila nagkakilanlan bago pa magpakasal...haaayyyy heto na dahil lang sa maliit na problema maghihiwalay na..wla naman palang 3rd party so bakit maghihiwalay???...ang dali daling sumuko ng kabataan ngayon pagdating sa pagsasama..pag na stress na hiwalay na kaagad!..ano ba yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  madam01

    09/13/2012 | 01:56 PM
    lolit solis should have known better. di ba noon pa man alam nya na di magtatagal ang dalawang yan because she knows paolo too well...lian is too young to be a single mom...sayang ang batang ito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  singpinay

    09/13/2012 | 01:51 PM
    si Isabel Oli ay nagdidiwang lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About