Mukhang torn between music and acting si Sam Milby. Dahil sa dami ng kanyang acting commitments, napag-iiwanan daw niya ang kanyang hilig sa musika. Saad niya, “Yun nga kasi, acting na naman ako. Medyo napi-feel ko, nawawala na naman uli. Hindi naman ako naggigitara uli that much. Hindi naman nawawala, nandiyan pa rin naman. Napapahinga lang naman dahil sa acting.”

Photo: Allan Sancon

Linggo-linggo namang napapanood si Sam na kumakanta sa ASAP ng ABS-CBN, ano ang ibig niyang sabihin na na-miss niya ang music?

“Yeah, linggo-linggo ako sa ASAP, pero in terms of really... yung passion ko—five years, six years?

“Nawala yung passion ko sa music.

“Yung last album ko was last year.

"But in terms na excited akong kumanta or play guitar?

“Tamad akong kumanta or play guitar. Parang I don’t wanna play guitar.

“I wasn’t singing any other time kung hindi sa ASAP o sa recording lang.

“I wasn’t na parang gusto kong kumanta… wala, hindi ganoon.”

Paano niya naramdaman yung pagkasabik sa music, yung passion?

“I don’t know. I was in the States when I got the guitar.

"Nag-enjoy ako na parang ang sarap noong naggigitara, tapos kumakanta ka.

“There’s some people who are encouraging me to, like… kasi wala akong bilib sa sarili ko sa music—I don’t have a good voice.

“Parang actor and a singer, parang more actor ako than singer.

“Parang yun sana yung something that I do along with acting.

“So, parang a lot of people is encouraging me na I do have a voice, pero I know if I work it out more and improve pa, puwede, e.