Mukhang torn between music and acting si Sam Milby. Dahil sa dami ng kanyang acting commitments, napag-iiwanan daw niya ang kanyang hilig sa musika. Saad niya, “Yun nga kasi, acting na naman ako. Medyo napi-feel ko, nawawala na naman uli. Hindi naman ako naggigitara uli that much. Hindi naman nawawala, nandiyan pa rin naman. Napapahinga lang naman dahil sa acting.”

Photo: Allan Sancon

“So, I started believing in myself and enjoying more playing guitar.”

Hindi masabi ni Sam kung paano niya mapu-push nang husto ang passion niya sa music dahil balik-acting na naman siya.

Sabi niya, “Yun nga kasi, acting na naman ako. Medyo napi-feel ko, nawawala na naman uli.

“Hindi naman ako naggigitara uli that much. Hindi naman nawawala, nandiyan pa rin naman.

“Napapahinga lang naman dahil sa acting.”



ZERO LOVELIFE. Pagdating naman sa lovelife, walang masabi si Sam dahil zero raw ang kanyang personal life.

Kuwento niya, “I met a girl in New York… may boyfriend naman!

“Parang there’s always something.

"Normally, it’s always na, 'Ang ganda naman nitong girl…'

“She’s beautiful, she’s nice… pero taken. Yun ang laging harang.”

Maghihintay na lang ba siya sa pagdating ng babaeng susunod niyang makakarelasyon?

“Yeah. Hindi ako yung tipong, ‘Sige, okey lang, kasi gusto ko ng girl.’

“Gusto ko maramdaman na in love talaga ako.

"Kasi pag in love ako, todo yung pagmamahal ko… I won’t compromise.

“Hindi ako yung, ‘Sige, try natin kahit hindi ko napi-feel.’ Hindi ako yung tipo na ganun.

“Gusto ko excited ako na parang, ‘Grabe itong nararamdaman ko sa girl!’ Gusto ko ganun.”