Ito ang sagot ni Nora Aunor kung bakit gusto niyang gawin ang pelikula kasama sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Coco Martin: “Kasi ang sa akin naman, kung yun ang magiging… mapapaligaya natin ang mga tao at magiging alive uli yung industriya, bakit ho hindi? Kaya sa 'kin, okay lang po yun."

Photo inset: Ang award at certificate na ibinigay sa Supertar na Bisato d’Oro award.

Photo: Noel Orsal

“'Tapos ano, hindi ako kinabahan, ako kasi buo ang loob ko na gusto kong humingi ng tawad… Cory... kung anuman ang ginawa ko sa kanya, sa kanila ni Ma’am Charo.

“At no’ng makita naman niya [Malou] ako, kaagad-agad siyang tumayo at nakangiti at niyakap naman ako nang napakahigpit. Kaya masaya ako.

“Masarap ang pakiramdam na wala ka nang kasamaan ng loob. Masarap ang pakiramdam. Iba.”



THROAT OPERATION? Sunod na kinumusta ay ang balitang pagpapaopera ng Superstar sa kanyang lalamunan para maibalik ang dating binansagan niyang “golden voice.”

“Hindi pa rin naoperahan dahil nag-iipon pa. May kamahalan ng konti,” nangiting sabi ni Nora.

“Pero nagwo-work naman ako na ngayong year or early next year po baka sakaling maoperahan.

“Kasi nami-miss ko na yung pagkanta talaga, e.

"Kadalasan nga pagka nakakapanood ako ng mga kumakanta, naaalala ko yung ako.

"At hinahanap ko na talaga yung pag-awit dahil diyan ako nag-umpisa, e.

“Diyan ko binuhay ang pamilya ko, at bago ako napunta sa pagiging artista. Kaya hindi puwedeng mawala sa ‘kin."

Hindi kaya mas delikado kapag sumailalim pa siya sa operasyon?

“Hindi naman po. Ang sabi ng doktor nung magpa-check-up ako sa Boston—kasi nakapagpa-check-up na 'ko sa Boston no’n, e—yung vocal chord, hindi naman tinamaan.

"Kaya lang, mas malalim yung tinamaan, kaya yun ang nagku-cause na hindi ako makakanta.

“Malalim daw pero hindi vocal chord, kaya maaayos talaga. Maibabalik do’n sa dati kong boses."

Anu-ano ang mga ipinagbabawal sa kanya ng doktor? Paninigarilyo?

“Malaki na yung pagbabago,” maagap niyang sagot.