news

Nora Aunor makes peace with ABS-CBN big bosses; expresses enthusiasm about proposed movie with Vilma Santos and Coco Martin

by Monching Jaramillo posted on September 13, 2012  STATS: 69131 Views | 78 Comments

Ito ang sagot ni Nora Aunor kung bakit gusto niyang gawin ang pelikula kasama sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Coco Martin: “Kasi ang sa akin naman, kung yun ang magiging… mapapaligaya natin ang mga tao at magiging alive uli yung industriya, bakit ho hindi? Kaya sa 'kin, okay lang po yun."

Photo inset: Ang award at certificate na ibinigay sa Supertar na Bisato d’Oro award.

Photo By: Noel Orsal

Isang mas slim at fresh-looking na Nora Aunor ang humarap sa press kahapon ng tanghali, September 12, sa Mario’s restaurant along Tomas Morato, Quezon City.

Masayang ibinahagi ng Superstar ang ilang bagong kaganapan at aabangan sa kanya ng kanyang mga tagasuporta.

Bilang selebrasyon daw ng ika-45 taon niya sa showbiz, inihahandog ng TV5 ang dalawang natatangi niyang pagganap ngayong weekend sa Kapatid shows na Untold Stories at Third Eye.

Sa Untold Stories ay gagampanan ng Superstar ang papel na Thelma Layog, isang madreng umalis sa kumbento para makasama ang lalaking minamahal—na bibigyang-buhay naman ni Yul Servo.

Sasabak din si Ate Guy sa mystery-drama na Third Eye, kung saan gaganap siyang teacher na kailangang ilabas ang kakahayang matagal na niyang tinalikuran.

Sasagipin niya ang mga estudyanteng sinapian ng demonyo sa pamamagitan ng isang ritwal.

Ayon sa head for creative and entertainment production ng TV5 na si Perci Intalan, may very special role din si Nora sa finale ng Enchanted Garden na dapat abangan.



THY WOMB. Kararating lang ng Superstar noong isang araw mula sa Venice Film Festival, kung saan naging entry ang pinagbibidahan niyang Thy Womb na idinirehe ni Brillante “Dante” Mendoza.

Kuwento ni Nora, “First time kong nakarating do’n at nakakatuwa naman dahil nung nag-red carpet kami, yung mga tao pumapalakpak dahil siguro napanood na nila yung pelikula.

"At yun nga, nagustuhan naman nila yung pelikula namin."

Mula sa nabanggit niyang pelikula, ginawaran si Ate Guy ng Bisato d’Oro award ng isang grupo ng independent Italian film critics.

Ito ang unang pagkakataon na ipinagkaloob nila sa isang aktres ang award na ito dahil kadalasan daw ay iginagawad ito sa isang direktor o iba pang kasapi sa pelikula.



ONLY THE SUPERSTAR! Bukod-tanging si Nora Aunor lang daw ang nakapag-participate na sa tatlong pinakamalalaki at prestihiyosong film festivals sa buong mundo, ayon sa obserbasyon ng beteranong manunulat na si Ronald Constantino.

Ang Bona na idinirihe ni Lino Brocka ay naging entry sa Cannes International Film Festival noong 1981.

Ang pelikula nila ni Ishmael Bernal na Himala ay naging kauna-unahang Philippine entry sa 1983 Berlin International Film Festival.

At ang Thy Womb nga ay naging kalahok naman sa Venice International Film Festival.

Saad ni Nora, “Masuwerte ako. Masuwerte pa rin ako sapagkat yung mga ginawa kong pelikula na napasali doon ay kanilang… karapat-dapat lang na maipalabas sa ibang bansa at mapanood, lalo na ng mga kababayan natin.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

78 Comments

  • 38  danram

    09/14/2012 | 02:46 AM
    Hay naku. Parehong magaling si Nora at Vilma no!! Si Nora parang si Viola Davis sa The Help last year while si Vilma naman e parang si Meryl Streep sa "The Iron Lady". Mas bombastic at showy ang role ni Meryl while si Viola naman e mas quiet at puno ng subtle eye and facial expressions. Neck and neck sila sa paramihan ng awards last year. I think mas maraming natanggap si Viola pero si Meryl ang nanalo sa Oscars. They are both effective actresses, iba lang talaga ang style nila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  milomilo123

    09/14/2012 | 02:38 AM
    sabi ni ricky LOW batt naka 150 million daw ang HILING NI velma..saan kaya nakuha nya ang kanyang arithmetic... magaral ka uli ng arithnetic by KEYSTONES HA . PANAHON MO YANG LBRO NA YAN....baka naman 150 million divided by 50 yan ang kinita ng HILING ni Gob. belma... balik ka sa elementarya ricky lowbatt ha, the star of all tabloid writers.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    utotngpinoy
    09/14/2012 | 10:28 AM
    150 milion nga kung 250 million naman ang puhunan , luging luging lugi pa rin. kaya nga walang victory party.
  • 36  totallykapamily_25

    09/14/2012 | 02:33 AM
    nakipagbati lng sa dos dahil alam niya na sila lng ang may kakayahang bumuhay sa career niya. yung totoo, hindi naman talaga ganung kainit yung comeback niya sa pinas eh. halos walang nanuod ng mga projects niya.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Iamanncurtis1
    09/14/2012 | 02:38 AM
    I agree, they can provide the discipline that she desperately needed. Ipahawak yan sa star magic that don't take BS from any artist..
    Iamanncurtis1
    09/14/2012 | 02:41 AM
    She got her way for so long kaya yan ang kinahihinatnan ng career nya.
    rhiamags
    09/14/2012 | 04:41 AM
    trulagen
    utotngpinoy
    09/14/2012 | 10:04 AM
    naku nag joint force pa mga stressed na 'to. nasan an si ador salut mga teh
  • 35  iceprince

    09/14/2012 | 02:00 AM
    pano ba nagkagalit ang dos at si nora?
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    kapamskoo
    09/14/2012 | 06:24 AM
    itanong mo kay lorna t
    opinion_ko_to
    09/14/2012 | 10:39 PM
    tsismosa na tsismosa ang tanong ah.hahaha
  • 34  cherchezlafemme

    09/14/2012 | 12:33 AM
    vaket nyo pinagsasabong sina NURA at BELMA? maawa naman kayu guys sa kanela. tomegel na kayu!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    utotngpinoy
    09/14/2012 | 10:05 AM
    e di naman sila nagsasabong. si gonernadoRAT lang naman ang depress e
    utotngpinoy
    09/14/2012 | 10:25 AM
    ... at ska ikaw hihi
  • 33  wrightcody31

    09/13/2012 | 11:30 PM
    Both Nora and Vilma are good Actress. Nora has more International Award. Vilma has more Local Awards. Nora still in the limelight but will go for "Indies and Teleseryes" Vilma is not so active but still "The Producer's Choice and Mainstream Actress" Nora is struggling financially. Vilma is financially stable and still commands a high talent fee. Nora has bad habits. Vilma is more disciplined and respected. The likes of German Moreno and Boy Abunda would go for Nora. The likes of Piolo Pascual and John Lloyd Cruz would go for Vilma. AT THE END OF EACH DAY VILMA WILL COME HOME WITH A FAMILY, NORA IS ALONE. ......and the battle continues.....
    Reply |  6 Replies
    0   0   0  
    alime
    09/13/2012 | 11:57 PM
    takot lang gumawa ng Indie si Vilma kasi alam nya hindi yun kikita...Mayaman si Vilma sa pera totoo yun pero mas mayaman si Nora sa dami ng kaibigan at fans na handang tulungan sya ....Ikumpara ba naman sina Boy Abunda at German Moreno kila John Lloyd at Piolo? Very obvious naman na mas rational yung dalawang matanda !
    Iamanncurtis1
    09/14/2012 | 01:49 AM
    That is the painful truth.. What is the use of all this international awards kung super messy ang personal life mo. Kaya hindi yan nagtatanda dahil na rin sa mga fans nyang bulag sa katotohanan. Nora is blinded with this false accolade, like nothing is wrong with her.. Hay naku gising mga Noranians kawawa ang idol nyo because at the end of the day, like cody said, vilma will come home with a family who keeps her grounded while Nora is alone..
    Iamanncurtis1
    09/14/2012 | 01:51 AM
    Tanungin nyo na rin sa idol nyo kung hindi sya inggit sa kumare nya..
    feelingbeautiful
    09/14/2012 | 03:36 AM
    very well said wrightcody31...what is important in life is to have a family to come home to at the end of the day. what is fame if you're lonely on top? I am pretty sure Nora envies Vilma in this regard.
    utotngpinoy
    09/14/2012 | 10:06 AM
    lamanlupacursetis, tanungin mo idol mo kung di sya inggit sa kumare nya
    utotngpinoy
    09/14/2012 | 10:12 AM
    feelingbeutifulngunitchaka, what is money compare to wonderful , secured, happy, and contented soul. always remember kung anung uri ng labanan meron sa kahon ng pulitika. at nakakulong na sya dun at di na makakawala pa kahit kelan. im pretty sure vilma envies nora in this regard haha
  • 32  apayagamin

    09/13/2012 | 11:25 PM
    its marian vs angel sa new age... hindi mo na rin mapagsabihan mga fans..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  cherchezlafemme

    09/13/2012 | 11:24 PM
    totoo ba ang tsismis na tibu daw si Ate Gay? hmmmm...just look at her photos.
    Reply |  7 Replies
    0   0   0  
    CmonTryMe
    09/13/2012 | 11:48 PM
    Cher, Nora did not become popular because of her looks. Nora would be the first to admit na hindi sha kagandahan. She rocketed to super stardom based solely on charisma and talent. Pero magtataka ka, ilan sa magagandang artista noon at ngayon ang nakapagpasara ng kalsada sa pagdagsa ng tao at ilan ang kinailangang sunduin ng helicopter mula sa fire exit ng sinehan nung mga panahong ni hindi pa gaanong uso ang oremiere night? Si NORA lang po. You might need to study history first before you resort to sarcasm.
    cherchezlafemme
    09/14/2012 | 12:31 AM
    Cmon,, I DON'T want to TRY IT. Who cares? zeno va zya? not worth my time.
    knightwing
    09/14/2012 | 01:03 AM
    not worth ur time ? bwahahaha ipokrito ka din pero nag comment dto ..Mga tao nga nman minsan nawawala sa logic hayzzzz mag mukhang matalino nga wala nman laman utak tsk tsk tsk
    MTBALDY
    09/14/2012 | 02:17 AM
    hahahah, 5 pages... mahaba-habang article ito, tas pinagkaabalahan basahin... epic!
    thirstytrooper
    09/14/2012 | 09:38 AM
    not worth your time? eh bakit nagcomment at nagtanong ka pa about ate guy? pathetic! haha
    CmonTryMe
    09/14/2012 | 10:13 AM
    Not worth your time? But worthy enough to write the senseless drivel you just wrote. And I kinda figured you wouldn't want to TRY it because THINKING, after all, requires energy for people like you.
    utotngpinoy
    09/14/2012 | 10:19 AM
    cherchez aka lamancursetis, worth worth ka dyan. nora is beautiful. si vilma nga yung upper lip nya nasasabit sa gilagid kapag nasobrahan ng tawa maganda ba yun. hay nako curse yourself na lang para magka worth ka
  • 30  opinion_ko_to

    09/13/2012 | 11:18 PM
    Pepster i just want to ask...nakapag MMK naba si Ate Guy before?di ko kasi matandaan eh...
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    GMAsimplyTHEbest
    09/13/2012 | 11:52 PM
    oo, i think si FPJ lng ang hindi naka pag MMK before siya mamatay..
    artworex
    09/14/2012 | 12:14 AM
    opinion yes maraming beses at nanalo din siya sa star awards for best single performance by an actress sa isang episode sa MMK. at wag kalimutan ang mga drama series ni nora sa channel 2 pati na ang BITUIN na nagtala ng 50 rating na mahirap na makuha ngayon.
    thirstytrooper
    09/14/2012 | 09:39 AM
    at mas top rating ito kumapara sa MMK ni vilma na tinalo ng kasabay na palabas sa siete!
    opinion_ko_to
    09/14/2012 | 10:46 PM
    thanks sa info..but i ask only kung nakapag MMK na sya or hindi and i dont care kung mas mataas pa ang rating ng mmk nya kesa kay Ate Vi..im not a fan ng kahit sino sa kanila..i just like them both as an Actress...two Real Actresses...
  • 29  ashleyrn01

    09/13/2012 | 10:48 PM
    sana tama na ang bangayan nang mga fans ni ate vi at ni ate guy..parang nakakasawa na paulit ulit na lang.. hindi naman sila magka away magkumare pa sila..bilib ako kay ate vi at pinagsabihan niya ang ilang vilmanians na tumigil na sa ka ka bash kay ate guy at sana naman pakinggan nila at sana vice versa din sa mga noranians na tigilan na rin nila sa ka ka bash si ate vi.. dapat nga kayo ang maging model nang ibang fans club ngayon.dalawang icon nang showbiz iyan tinitingala.mas maganda kong healthy competition lang mas masaya kong walang away away..opinion ko lang po ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  opinion_ko_to

    09/13/2012 | 10:28 PM
    so good to hear that youre now in good terms again with the abs cbn bosses....looking forward for your project or shld i say projects with abs cbn and of course mas masaya ako kung magkaka project kayo kasama si ate VI.haaay!sobrang ganda cguro nun!paging ABS CBN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  utotngpinoy

    09/13/2012 | 10:19 PM
    No one comes close to the woman, Nora Aunor is Philippine cinema's finest actress. O mga vilmanians magpakabait sa comment, ang eleksyon hmmnnn... hihi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  CmonTryMe

    09/13/2012 | 10:07 PM
    Nakakatuwa. Sana nga magkasundo ang fans nila Nora at Vilma to show the younger stars of today na itong dalawang movie queens na ito ang dapat i-emulate at tularan. Sila talaga ang tunay na sukatan ng pagiging isang tunay na artista. Sa totoo lang, nagkakatulungan naman talaga ang dalawang iyan. Gone are the days na magkaribal sila at hindi magkaibigan. Kung sila nga nag make peace na, kaya naman siguro ng fans nila. Panahon na din siguro. At ang tagumpay ni Nora ay di kasiraan ni Vilma and vice versa. Parehong magaling at parehong tunay na mga alagad ng sining.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  winged_angel

    09/13/2012 | 09:48 PM
    She's really a fantastic actress. Incomparable. Malawak ang range at multi dimensional. Her personal life is messy but there's no question that she's the best.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    MiddleFinger
    09/15/2012 | 07:55 AM
    di mo yta alam meaning ng MULTI DIMENSIONAL teh!!!
  • 24  gobernadora

    09/13/2012 | 09:37 PM
    kung totoong idol nyo si ate Vi, tantanan na natin si nora.... ayaw ni ate Vi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  Iamanncurtis1

    09/13/2012 | 08:52 PM
    Etong si Nora maraming fans pero flop naman ang mga movies nila. Nora's star has long been gone sa kagagawan nya, because of her bad working habits and her personal indiscretions. No doubt na she is a great actress, the best ika nga, pero .. Ang gulu gulo ang buhay nya, sa edad nyang ito, in limbo pa rin ang buhay nya. She needs to listen to people who genuinely care about her, not those na personal interest sa kanya.
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    gobernadora
    09/13/2012 | 09:28 PM
    naku! gusto ko na ng peace to all noranians dahil ayaw ni ate Vi ko ang inaaway ang kumare nya. whatever lamanncurtis1, buhay naman ni nora yan. hayaan na natin sya tutal nasa golden years na rin sya like vilma.
    winged_angel
    09/13/2012 | 09:50 PM
    May mga flop, yes. But during her peak, she was turning blockbusters one after the other. It does not take away from the fact that she's a great actress.
    utotngpinoy
    09/13/2012 | 10:07 PM
    lamanlupacurtis1 , depressed ka lang. sleep ka muna
    CmonTryMe
    09/13/2012 | 11:53 PM
    Indeed, Nora is her own worst enemy.
    thirstytrooper
    09/14/2012 | 09:58 AM
    lamancurtis... pinagdaanan na ni nora ang box office successes na yan. nagsawa na nga siya.... mas gusto niyang gumawa ng pelikula na may katuturan kahit alam niya sa sarili niya na posibleng hindi kumita. pero tingnan mo naman, napansin ng buong mundo ang pelikula niya at ang galing niya. Ewan ko ba sa ibang tao... nagbigay na nga ng karangalan sa Pinas si Nora, imbes na matuwa sa nagawa bilang pilipino eh titirahin pa ang personal na buhay ni Nora... in the first place, ano ba ang karapatan mo? may maganda ka bang nagawa sa pilipinas katulad ng nagawa ni Ate Guy na ibinandera ang galing ng pelikulang pilipino?
  • 22  MontoGawe

    09/13/2012 | 08:03 PM
    About time for both parties to smoke the peace pipe AND that Ms. Aunor, Coco Martin and Ms. Santos have a movie together.
    Reply |  9 Replies
    0   0   0  
    Iamanncurtis1
    09/13/2012 | 09:01 PM
    Vilma and coco na lang kasi jinx si ms. Nora sa box office, baka mahawa pa ang dalawa. When is the last time she had a hit movie? Pang indie na lang sya no?
    ejsalot
    09/13/2012 | 09:28 PM
    Iamanncurtis1 wag mong nilalang ang mga indie film dahil yan ang nag uuwi ng karangalan sa bansa. baket ikaw ba ano na ang naiuwi mong karangalan para sa pinas?
    utotngpinoy
    09/13/2012 | 10:09 PM
    wow soshyal nahman si lamanlupacursetis. o di ba pa twang twang ka pah. dont worry ikaw din majijinx. weyt mo lang ha, coming na yan
    pearl102
    09/13/2012 | 10:13 PM
    Hahaha supalpal si SELF PROCLAIMED DO REINCARNATION na si IAMANNECURTIS, nilalang ang indie films na naghahakot ng awards internationally. Compare mo naman ang mga commercially release ng Star Cinema na puro kilig kilig at pare parehong tema ng movies, agawan ng asawa, nangangaliwang asawa, s3x scene movies..iyan ang mga movies nyo na wala ng ipinagbago simula noong napanood ko yung movie ni Aga, Maricel at Angelica P.
    pearl102
    09/13/2012 | 10:13 PM
    Hahaha supalpal si SELF PROCLAIMED GOD REINCARNATION na si IAMANNECURTIS, nilalang ang indie films na naghahakot ng awards internationally. Compare mo naman ang mga commercially release ng Star Cinema na puro kilig kilig at pare parehong tema ng movies, agawan ng asawa, nangangaliwang asawa, s3x scene movies..iyan ang mga movies nyo na wala ng ipinagbago simula noong napanood ko yung movie ni Aga, Maricel at Angelica P.
    Iamanncurtis1
    09/14/2012 | 01:42 AM
    Coco Martin, take for example, was still unknown kahit kabi kabila ang Indie nya, yumaman, sumikat ng husto ng nag main stream..
    Iamanncurtis1
    09/14/2012 | 01:57 AM
    Pearl : lol , kaya flop lahat ang gma movies, with a mentality like that. The public watch movies that can relate with them, mga makabagong theme and star cinema is very good at that. Coco and vilma can make a movie a superblockbusterr without Nora.. Nora can continue doing her indie films coz she has no place in mainstream.
    pearl102
    09/14/2012 | 02:09 AM
    Self proclaimed GOD reincarnation na IAMANNECURTIS, FLOP lahat ang movies ng GMA?? hahhahaha kaya pala kamalakihan na ng isang maka Angge dito na yung movie ni Angge at ni Richard G pa rin daw top grossing movie na ginawa ng GMA. Oh hayan akala ko ba puro FLOPS? Si Angge puro FLOPS daw ang movies na ginawa noong nasa GMA pa raw, ano ba talaga?? bwahahaha maka kanta na nga lang ng padding padding...padding padding ang alam ng DOS hihihihi
    pearl102
    09/14/2012 | 02:10 AM
    Nora has no place in mainstream?? Kamusta ba naman yung DA HILING ni ate VI, saan nga pala nag victory party? Bakit hindi man lamang nabalita?
  • 21  r2kin2

    09/13/2012 | 07:52 PM
    good and positive article. thanks pep. i hope i see and hear you sing again la aunor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  utotngpinoy

    09/13/2012 | 07:37 PM
    ambabait ng mga vilmanians ngayon hihi
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    pretty
    09/13/2012 | 08:13 PM
    Nagpapakahumble na sila, utos ni ate Vi. Hihi. Sana si ate Guy sabihan din ang mga noranians na magpakabait. Hihihi
    utotngpinoy
    09/13/2012 | 10:13 PM
    syempre malapit na eleksyon
  • 19  glen

    09/13/2012 | 07:17 PM
    shoot! Deadma ako sa awayang Nura at Velma basta if ever matuloy ang movie na yan, PANOOORIN KO! It's about time na magsama sila uli. Tagal naman Direk. Kelan kaya?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    glen
    09/13/2012 | 07:18 PM
    awayang Nura Velma fans ang ibig kong sabihin

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About