Dalawang taping days na lang ang natitira hanggang sa pagtatapos ng panghapong teleserye ng GMA-7 na Faithfully.
Sa loob ng mga araw na ito, sinabi ni Mike Tan na in-adjust ng management ang taping ng show para sa paghahanda ng aktor sa gaganaping Bench Universe Underwear Fashion Show.
Magaganap na mamayang gabi at bukas (September 13 at 14) sa SM Mall of Asia Arena ang Bench show.
Isa ang aktor, na gumaganap na Perry Escaño sa Faithfully, sa mga rarampa sa malaking event na ito ng clothing company na pagmamay-ari ni Ben Chan.
Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike noong Martes, September 11, sa GMA-7.
Sabi niya, “Actually, nagpapasalamat ako sa E.P. [executive producer Carol V. Galve] namin dahil ina-adjust niya.
“May time rin na kung minsan, nale-late ako sa taping dahil kailangan ko pang mag-gym.
“Pero sobra ang pasasalamat ko sa kanila kasi naiintindihan nila.”
END OF SHOW. Medyo malungkot daw si Mike na malapit na ngang magtapos ang taping nila, kahit na nag-extend na ng ilang weeks ang show.
“Sobrang saya kasi ng taping. Ito yung pinakamasayang naging grupo.
"Mula sa director [Mike Tuviera], E.P [Ms. Galve], hanggang sa pinakababa.
“Mabait silang lahat, pati yung cast. Sobrang bonding lahat...kuwentuhan
"I’m sure, nakaka-miss.”
EXCHANGE ROLES. Kasama ni Mike sa Faithfully si Marc Abaya bilang Kevin Quillamor, ang may pagka-pyschotic na karakter sa show.
Aminado si Mike na nakakaramdam daw siya ng inggit sa role ni Marc.
“Sobrang interesting ang role niya. Minsan naiinggit ako. Sabi ko nga sa kanya, ‘Pare, gusto ko rin gawin ‘yan.’
“Gusto ko kasi na parang, yung pagiging psycho. Actually, matagal ko nang sinasabi yun. Isa yun sa mga dream [role] ko na parang psycho.
“Kaya kapag nakikita ko siya na ganoon, sabi ko talaga sa kanya, naiinggit ako,” natatawa niyang sabi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 violet_blooms06
12 bacobaco
11 Stellathestar
10 rhiamags
9 OnlineKapuso12
8 OnlineKapuso12
7 Adikreader
6 kapamskoo
5 violet_blooms06
4 jagjof
3 jpcrzyluv
2 Adikreader
1 jamila_claire