Pero si Marc naman daw ang hindi masyadong gusto ang role niya.
“Nasasamaan kasi talaga siya. Mahirap talaga yung character niya na parang mama’s boy. Iba...iba.
“Mahirap talaga ang role niya kaya gusto ko.”
At kung sakaling bigyan ng chance na mabigyan ng ganoon ngang role, doon na ba ibubuhos ni Mike ang lahat ng kanyang kakayahan sa pag-arte?
“Ang sarap kasi minsan na maglaro. Para sa akin, isa siyang playground na puwede kang maglaro… Puwede kang mag-experiment. Yung ganoon.”
BENCH SHOW. Tungkol naman sa pagrampa niya mamaya sa Bench show, anong preparasyon nga ba ang ginawa niya?
“Gym, diet…yung diet ko, iba-iba siya,” sagot ni Mike.
“Iba-iba kasi ang diet. May kamote, may isda, may manok. Araw-araw, iba-iba rin ang kinakain mo."
Ipinagmalaki pa ni Mike na all-organics ang kanyang diet.
“Yung tubig, nag-iiba-iba rin. Pero kailangan, ang tubig na iniinom ko, distilled. Wala na talaga siyang mineral.
“Kumbaga, pag-ihi mo, iihi mo na rin. Kasi kunwari ang dory, ang itlog, may natural mineral content.
“At yun ang palaging sinasabi ng trainor ko, si Ferdinand Laforteza ng Extreme.
“Dumadayo pa ako sa may Don Antonio Heights, kasi alam ko maganda yung gym at para sa akin, magaling ang trainor ko.”
GUEST MODEL. Hindi naman pala celebrity endorser si Mike ng Bench, pero isa siya sa rarampa—paano siya napapayag?
“Noong sinabi sa akin ng handler ko, si Kuya Darryl Zamora na kasama nga raw ako, sabi ko naman, ‘Ok.’
“At tingin ko naman kasi, ang Bench, iba rin ang prestige na naibibigay sa artista.
“Para mapabilang ka rin naman, alam natin, lahat sila kilalang mga artista.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 violet_blooms06
12 bacobaco
11 Stellathestar
10 rhiamags
9 OnlineKapuso12
8 OnlineKapuso12
7 Adikreader
6 kapamskoo
5 violet_blooms06
4 jagjof
3 jpcrzyluv
2 Adikreader
1 jamila_claire