Inaamin ni Mike Tan na naiingit siya sa psycho role ni Marc Abaya sa Faithfully. Sabi niya: “Sobrang interesting ang role niya. Minsan naiinggit ako. Sabi ko nga sa kanya, ‘Pare, gusto ko rin gawin ‘yan.’ Gusto ko kasi na parang, yung pagiging psycho. Actually, matagal ko nang sinasabi yun. Isa yun sa mga dream [role] ko, na parang psycho.”

Photo: Rose Garcia

“So, noong sinabi sa akin ng manager ko, kasama nga raw ako, natuwa naman ako.

“Kahit dati sabi ko, ok yun. Sana one of these days, makasama rin ako.”

Noong isang taon unang naranasan ni Mike na rumampa sa Cosmopolitan Philippines' Bachelor Bash na naka-brief.

Ano naman kaya ang maipapakita niya ngayon sa Bench?

“Sa tingin ko naman, kung nag-brief ka na, wala ka nang huhubarin,” natatawa niyang sabi.

“Pero hindi ko po alam kung ano ang gagawin sa Bench fashion show. Hopefully, maganda ang mangyari.

“Pero ang sabi ng handler ko, ako yata ang mag-o-open ng isang segment sa mga models.”



CONFIDENT. Kumpara noong isang taon, masasabi niya kayang mas confident na siya ngayon?

“Hindi ko alam. Kasi usually ang mga ganitong bagay, kinakabahan ako.

“Nakakakaba kasi ang mga kasama mo malalaking artista.

"Ako naman, hindi ko naman pinangarap magkaroon ng malaking katawan.

“Ang gusto ko lang, healthy ako, lean ako.

"Hindi talaga ako puwedeng sumobra ng pagda-diet, kasi nagmumukha akong bungo.

“At yun ang iniiwasan ko dahil sa TV, importante ang hitsura mo.”

“Although kung ikukumpara natin ang body ko from Cosmo [Bachelor Bash] at saka ngayon, mas gusto ko ang katawan ko ngayon…

“Hindi masyadong payat at hindi rin naman ganoon kalaki. Hindi rin ganoon ka-buff, pero, mas ok sa akin ‘to.”