Aljur Abrenica on having a sexy body: “Kumbaga, hindi ko hinahabol ang pagandahan ng katawan dahil alam ko na mas maraming magagandang katawan sa akin. Ang hinahabol ko ay maging role model sa mga kabataan na makikita nila sa akin ang fit na katawan—tama lang.”

Photo: Noel Orsal

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica noong Martes ng gabi, September 12, sa Studio 7 ng GMA-7.

Ginagawa niya noon ang plug shoot ng bago niyang primetime series, ang Pinoy adaptation ng Korean series na Coffee Prince.

Sa panayam namin sa Kapuso young actor ay napag-usapan ang pagrampa niya sa Bench denim and underwear fashion show, ang Bench Universe, ngayong gabi (September 13) at bukas ng gabi (September 14).

Ayon kay Aljur, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niyang treatment sa pagrampa niya sa Bench show.

Pero aniya, “May tiwala naman ako sa Bench. Ipinapaubaya ko na yun sa kanila.”

Noong huling Bench fashion show, two years ago, pants ang suot ni Aljur dahil denim model siya.

Posible bang higitan niya ang gagawin at ang makikita sa kanyang pagrampa ngayon?

Sagot ni Aljur, “Abangan na lang. Depende yun kung anong ma-feel ko.”

SAME ROUTINE. Puspusan ang paghahanda ng katawan ng ibang celebrity endorsers para sa Bench fashion show, pero consistent lang si Aljur sa dati niyang ginagawa.

Kuwento ng Kapuso hunk, “Sa ngayon, same routine lang. Nagda-diet ako, nagmu-Muay Thai ako.

“Sayang nga, e.

"Sana nagdagdag pa ako ng iba’t ibang activities for this.

"Pero ‘eto na, naging busy tayo sa Coffee Prince rin.

“Pero lifestyle ko na rin kasi diet, more on gulay.