Aljur Abrenica on having a sexy body: “Kumbaga, hindi ko hinahabol ang pagandahan ng katawan dahil alam ko na mas maraming magagandang katawan sa akin. Ang hinahabol ko ay maging role model sa mga kabataan na makikita nila sa akin ang fit na katawan—tama lang.”

Photo: Noel Orsal

Pero nalulungkot daw si Aljur na hindi siya makakarampa sa Cosmo Bachelor Bash sa susunod na linggo.

“Nagkaroon yata ng conflict sa schedule.

"Nalungkot din ako kasi every year halos, palagi tayong nasa Cosmo at routine na rin siya.

“At yung treatment naman sa akin ng Cosmo palagi, sobrang ganda. Mami-miss ko yun for this year.

“Pero yun nga, nakarating din sa akin na ako raw, si Rocco, at saka si Kuya Dong ang napili nila.

“Nakakatuwa naman at nagpapasalamat sa recognition na yun.

"Parang ang sabi yata, isa raw ako sa 'Pinoy na Pinoy.'

“Very funny nga, I got the looks of a gentleman daw, pero parang makasalanan daw ang katawan ko!” natatawa niyang sabi.



COFFEE PRINCE. Sa plug shoot naman ng Coffee Prince, walang duda na iba talaga ang chemistry nila ni Kris Bernal, ang orihinal na ka-loveteam ni Aljur.

Sina Kris at Aljur ang gaganap sa roles na Andi at Arthur sa Pinoy version ng hit Koreanovela na ito.

Sabi ni Aljur, “Very happy po ako ngayon dahil sigurado na ang Coffee Prince.

“Sure na sure na po at very blessed kami ni Kris dahil kami ang nabigyan ng pagkakataon na i-remake ang Coffee Prince.

“Actually, marami ang naghahangad na gawin ‘to dahil sobrang nag-hit siya noong 2007 at sa atin yata, 2009 yata ipinalabas.

“Thankful kami na ibinigay sa amin ng GMA ‘to.

"Thankful din ako sa cast—ang ganda ng casting, ang ganda ng team namin.

“Wala na akong masabi kung hindi excited na ako sa taping day namin na magsimula na kami.”