Inamin ni Jessa Zaragoza na may pinagdaanan na silang unos ng mister niyang si Dindong Avanzado sa loob ng labing-isang taong pagsasama bilang mag-asawa. Aniya: “Sinasabi nga na parang bagyo ‘yan na darating na unexpected. Puwedeng sobrang lakas. Puwedeng dumaan lang. Pero parte talaga ng relationship iyon.”

Photo: Noel Orsal

Aktibo na naman ang career ngayon ng actress-singer na si Jessa Zaragoza.

Katatapos lang i-launch ang kanyang bagong album na Pag Wala Na Ang Ulan under GMA Records.

Pahayag ni Jessa tungkol sa kanyang album, “Masarap yung feeling.

“Na-miss ko ang ganito na mag-release ng OPM album. Puro mga Tagalog na ulit yung ni-release ko.

“Meron akong song na gawa ni Tito Vehnee Saturno. Parang reunion collaboration namin.

“Tapos meron ding song na ginawa ni Dingdong na ang title ay 'Ayoko Na.'

“Pero hindi naman ayaw sa akin ni Dingdong! Hindi naman!” natatawang sabi niya tungkol sa mister na si Dingdong Avanzado.

“Tapos yung aking carrier single na 'Kapag Wala Na Ang Ulan,' composition ni Mr. Jimmy Antiporda.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessa sa 4th PMPC Star Awards for Music last September 9.



SECOND CHILD. Nangiti naman si Jessa sa tanong kung kailan masusundan ang unica hija nila ni Dingdong na si Jayda, na ngayo’y siyam na taong gulang na.

Aniya, “Siyempre nagpaplano na rin talaga kami. Sana… we’re hoping, baka next year.

“Pero gusto muna naming plantsahin yung iba pa naming plans para mas maging kumportable lahat.

“Kasi we have a plan also na lumipat ng bahay.

"Basta meron kaming iba pang mga planong inaayos. Ia-announce na lang namin soon.”



IMMIGRANTS. Pero ganoon pa rin daw ang set-up nila ni Dingdong na pupunta sa Amerika tapos ay babalik sa Pilipinas every now and then.

“Medyo mahirap dahil nagme-maintain kami ng estado dito sa Philippines, tapos sa Amerika.

“Iyon naman, e… lahat ng iyon, ginawa namin, like yung pagkuha ng green card sa States, para naman sa anak namin.