news

Karylle on mom Zsa Zsa Padilla's clean bill of health: "I hope na magtuluy-tuloy ito."

by Ruben Marasigan posted on September 13, 2012  STATS: 8167 Views | 4 Comments

Sa ginanap na 4th Star Awards for Music ay si Karylle ang tumanggap ng special award na iginawad sa kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla, Bagamat nakabalik na ng Pilipinas ang Divine Diva ay hindi pa ito ganun kalakas upang um-attend ng mga awards night.

Photo By: Allan Sancon

Isa si Zsa Zsa Padilla sa mga pinarangalan bilang top icons ng Philippine music industry sa 4th PMPC Star Awards For Music last Sunday, September 9, sa Meralco Theater. 

Kabilang din sa iba pang ginawaran ng ganung pagkilala ang dating mag-asawa na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, sina Gary Valenciano at Kuh Ledesma, at ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Kasama rin sina Sharon Cuneta at Lea Salonga, pero hindi sila nakarating.

(CLICK HERE to read related story.)

HOW IS THE DIVINE DIVA? Ang panganay na anak ni Zsa Zsa na si Karylle ang tumanggap ng award para sa Divine Diva.

Siyempre pa, si Karylle ang kinumusta ng media tungkol sa kalagayan ngayon ng kanyang ina.

Nakabalik na ng Pilipinas si Zsa Zsa mula Amerika kung saan sumailalim siya sa kidney operation.

“She can’t make it right now, kasi she’s still recovering,” sabi ni Karylle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media. 

“Pero she’s very strong. And she’s really looking forward to walking.

“Sinasabi ko nga sa kanya, ano, ‘Punta tayong Tagaytay o Laguna, maglakad-lakad tayo.’

“Pero isi-set pa namin ‘yon kung kailan.”

Kumusta ba si Zsa Zsa pagdating? Nakapag-bonding na ba silang mag-ina ulit?

“Hindi ko pa siya nakikita. Kasi inaantok siya nang maaga, e. 

“Ayoko muna siyang guluhin masyado.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • capricorn123

    09/13/2012 | 10:00 PM
    salamat Panginoon at hindi cancer ang tumubong bukol sa kidney ni zsa zsa...love ya karylle....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinaskongmahal

    09/13/2012 | 06:31 PM
    over used na ang sakit na ito ni zsa zsa,sobrang ginamit na para lang sa publicity. this is a true example of taking advantage of the situation just to get public 's attention. from her family to vicky belo.tatak kapamilya talaga.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    coffeestate
    09/14/2012 | 10:27 AM
    pag namatay ka walang makikiramay sayo o magkasakit ka man ng malala walang magdadasal para sayo dahil sa ugali mo.
    glen
    09/15/2012 | 09:13 AM
    Haha! Kaya mo pa i handle yang galit mo sa abs? Baka mauna ka pa kay zsa zsa. Lol.
  • markisrael21

    09/13/2012 | 05:26 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • markisrael21

    09/13/2012 | 05:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About