[x]

“Every project is an opportunity. Pag napasama ka, ang suwerte mo. Pinagpala ka kasi puwede siya mapunta sa iba. Puwede siya mapunta sa kahit na sinong artista.” In an interview before leaving for France for a promotional tour, actor John Lloyd Cruz said he was blessed to be granted a 10-year-anniversary movie project with Bea Alonzo. The Mistress, directed by Olivia Lamasan, premiered in the Philippines on September 11, 2012. The film will be screened at the Acropolis in Nice, France.

Photo: Abby Mendoza

Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Huwebes, Setyembre 13, ang pagdating ni John Lloyd Cruz sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

May isang source ang tumimbre sa PEP na sabay na aalis ang aktor at ang rumored girlfriend nitong si Angelica Panganiban patungo ng Nice, France.

Ngunit bago mag-isip ng kung anu-ano ang ilan diyan, ang pagpunta nila sa France ay may kinalaman sa trabaho. Dadalo sila sa “Kapamilya Karavan,” isang promotional tour ng ABS-CBN talents.

Kasabay ng tour na ito sa France ang screening ng pelikulang The Mistress, kung saan tampok sina John Lloyd at Bea Alonzo.

WORKING VACATION. Bandang alas-diyes ng gabi nang dumating si John Lloyd sa NAIA Terminal 1.

Kalalabas pa lamang nito ng kotse nang makapanayam siya ng PEP, kasabay ang isang miyembro ng media at ilang staff ng Star Cinema.

Unang sinabi ni John Lloyd kung saan siya patungo at kung para saan ang kanyang out-of-the-country trip.

“Sa Nice, France, merong Kapamilya Karavan. Nandun naman tayo para mag-entertain ng mga Kapamilya natin do’n.

“Saka merong screening ng The Mistress dun, so masuwerte at nadala yung pelikula.

"Saka gusto ko rin… natutuwa rin ako na yung pelikula ay mapapanood doon.

“Malayu-layo yun, e. Baka hindi nila ma-experience. Sa bagay, may DVD naman yun.”

Kasalukuyang pinipilahan sa mga sinehan dito sa Pilipinas ang The Mistress na nagbukas lamang noong Miyerkules, September 12.

Nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya na tinatangkilik pa rin ng mga tao ang tambalan nila ni Bea pagkatapos ng mahigit na sampung taon, sinabi ni John Lloyd: “Basta una, lagi kong ipinagpapasalamat na I have been blessed na yung mga projects na napupunta sa atin, e…

“Kasi every project is an opportunity. Pag napasama ka, ang suwerte mo.