[x]

“Every project is an opportunity. Pag napasama ka, ang suwerte mo. Pinagpala ka kasi puwede siya mapunta sa iba. Puwede siya mapunta sa kahit na sinong artista.” In an interview before leaving for France for a promotional tour, actor John Lloyd Cruz said he was blessed to be granted a 10-year-anniversary movie project with Bea Alonzo. The Mistress, directed by Olivia Lamasan, premiered in the Philippines on September 11, 2012. The film will be screened at the Acropolis in Nice, France.

Photo: Abby Mendoza

“Pinagpala ka kasi puwede siya mapunta sa iba. Puwede siya mapunta sa kahit na sinong artista.

"Ang dami-dami namin, lalo na sa ABS[-CBN].

“Siguro talagang pinagpala lang na medyo consistent yung mga magagandang project na nakukuha natin.

“And, of course, yung tiwala…

"Actually, itong The Mistress, kung hindi talaga dahil kay Tita Malou [Santos], hindi naman ako mapupunta dito, e. Hindi ako mapapasama dito.

“So, napakapalad lang na tinawagan ako ni Tita Malou, tinawagan niya ako personally. Kinausap niya ako, tinanong niya kung gusto kong gawin, kung puwede kong gawin.

"Paano ka naman tatanggi doon?”

Dapat sana ay si Derek Ramsay ang makakapareha ni Bea sa The Mistress, ngunit nang lumipat ang aktor sa TV5 ay ibinigay ng Star Cinema ang role kay John Lloyd.

Patuloy pang sinabi ni John Lloyd, “Saka nga sabi ko, di ba, in the rare chance na gumagawa si Inang [Olivia Lamasan] ng pelikula...

"Parang dati sa In My Life [2009], nakasama ako, tapos gumawa siya ng isang movie na hindi tayo kasama.

“Pero ngayon, gumawa siya uli tapos napasama tayo.

"Para sa akin, malaking bagay yun. Kasi sa sobrang busy ni Inang, may pagkakataon na gumagawa siya na kasama tayo.”

Nagpasalamat din ang aktor sa suportang ibinibigay ng kanyang mga kapwa artista sa ABS-CBN sa pelikula nila ni Bea.

“Salamat. Nagpapasalamat talaga ako sa nagbibigay ng chance at pinanood talaga nila yung pelikula.

"Malaking bagay yun, especially pagka galing yun sa kapwa mo artista.”