news

Gerald Anderson on failed romance with Sarah Geronimo: "Nangyari na ho ang mga dapat mangyari, kailangan na lang po nating mag-move on."

by Nerisa Almo posted on September 14, 2012  STATS: 78677 Views | 48 Comments

Bagamat hindi nagbunga ng maganda ang panliligaw niya kay Sarah Geronimo, hindi naman daw ito pinagsisisihan ni Gerald Anderson. Aniya, “No regrets, no regrets. I’ve lived my life with no regrets. Kumbaga, sa bawat tama, sa bawat mali, sa bawat failure, at sa bawat success ang dami nating natutunan, so no regrets.”

Photo By: Noel Orsal

“Young and powerful” ang tema ng FHM Collections ngayong 2012, kung saan cover celebrity ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson.

Sa ginanap na press conference para sa kanya at sa cover girl ng regular issue na si Melissa Ricks kahapon, Setyembre 14, sinabi ng mga taga-FHM na kaya napili si Gerald bilang cover ng ika-apat nilang FHM Collections ay dahil sa mga na-achieve na niya sa kanyang showbiz career.

Pero sa kabila ng mga natamo na niya bilang isang artista, hindi naman naiwasan ng mga naimbitahang media na tanungin si Gerald kung okay lang sa kanya maging successful na single.

“Hindi naman sa single ako, e, it’s a bad thing,” sagot ng 23-year-old actor.

“Kumbaga, isinusulat pa ni God yung love story ko.

“Parang sabi talaga ni God, ‘Gerald, ang dami mo pang kailangang gawin muna.’

“Busy pa si God, isinusulat pa niya ang love story ko.”

SARAH GERONIMO. Mainit na pinag-uusapan ang lovelife ni Gerald kamakailan dahil sa pagkaka-link niya sa tinaguriang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Bagamat inamin ng young actor na niligawan niya ang dating movie partner, hindi naman ito nauwi sa isang seryosong romantic relationship.

Kamakailan kasi ay sinabi ni Gerald na huminto na siya sa panliligaw kay Sarah.

Gayuman, naniniwala ang dating Budoy lead actor na bahagi na ito ng love story ng buhay niya.

Dagdag pa ni Gerald, hindi niya pinaghihinayangan ang pagiging malapit nila ni Sarah.

“No regrets, no regrets,” sabi niya.

“I’ve lived my life with no regrets.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

48 Comments

  • 28  petiteclau

    09/14/2012 | 04:10 PM
    Akala siguro ni mommy Divine napakaganda ng anak nya ....buti nga tumigil na si Gerald sa panliligaw pakialamera kasi ang nanay eh kung wala naman palang mapapala di tigil na lang ...you deserve the best Ge' ...sana kayo na lang uli ni Kim di sila bagay ni Xian
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    haleyholiday
    09/14/2012 | 09:06 PM
    hindi iyan ang rason ni Divine. Umiiral kasi ang pagiging greedy ng mga palamunin ni Sara . Kaya tuwa na naman si Divine. Hawak pa rin niya ang pera ni Sara at tuloy ang pagpapasasa ng buong pamilya at kamag-anak
    wa2
    09/14/2012 | 09:08 PM
    korek na korek walang kaganda ganda si saraht
    Gemski
    09/17/2012 | 03:51 AM
    Parang may nabasa ako na may kapatid si Sarah na nag aaral sa New York? Taray kung totoo. Siya lang ba kumikita sa pamilya nila?
    laos_ka_na_angel
    09/17/2012 | 08:12 AM
    taka naman ako d2 kay gerald, ano ba nagustuhan mo kay sarah, eh wala namang kaganda-ganda ang sarah na yan, nagtataka nga kami bat naging artista yan.
  • 27  lulu_kapuso

    09/14/2012 | 03:47 PM
    kahit naman siguro sino noh.. aayaw na... para naman kasing ang ganda ni sarah tapos xa pa yung pa effect.. tama lang yung ginawa ni gerald.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  akinse

    09/14/2012 | 03:45 PM
    Dati pa kaya inlove si Sarah sa kanya..in the end wala rin pala mapapala si Ge..e di ba nga hindi naman daw nag mamadali si Sarah,,muntik lang..ano yun,,parang sinabi naman nya muntik na syang magkamali kasi muntik na nyang sagutin si Gerald..dami kasing ek ek n nanay ni Sarah..yan tuloy anak nya laging luhaan..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    wa2
    09/14/2012 | 09:09 PM
    eklay na talaga si saraht nakaka umay sya mag sama sila ng madir nya na mukhang salapi
  • 25  Galactica

    09/14/2012 | 03:43 PM
    tinaon mo pa sa birthday ni Sarah ang pagba-back out mo, anong klaseng lalake ka....pa GOOD BOY effect ka pa....
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    kiwipinay
    09/14/2012 | 05:41 PM
    ang lupit nga ni ge eh! iba salita nyan sa sarap ng camera kala mo kung sinong humble pero bossing na bossing yan sa mga barkada!
    pepster31
    09/14/2012 | 07:52 PM
    dati sa presscon pa announce ang panliligaw, ngayon diring diri na at parang ayaw pag usapan si sarah..at totoo yan, kala bait baitan, pero offcam, pabida yan..naku, tanong nyo sa mga producers abroad...
    goodkarma4ever
    09/15/2012 | 06:47 AM
    agree ako pa Good boy effect si GA. di ba before noong di pa sikat si Xian eh pinagtatawanan at tinawag niya itong na ligaw na Koreano or Intsik sa ASAP. Naniniwala ako sa mom ni Sarah na si GA ang huminto. Alam ko si Mark B. pinahinto ni Sarah dahil di niya feel.
  • 24  Galactica

    09/14/2012 | 03:42 PM
    hay naku Gerald, sabi mo noon no turning back.....pati si God sinasali mo pa sa kalokohan mo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kiwipinay
    09/14/2012 | 05:40 PM
    tama!
  • 23  callmekeylee

    09/14/2012 | 03:41 PM
    He stopped kung kelan nahulog na si Sarah sa kanya. I wsih you didnt gve up on her...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  akinse

    09/14/2012 | 03:32 PM
    Ay may Kimerald pa dito na 88 years nang hindi nag move on..haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  D_katie

    09/14/2012 | 01:37 PM
    6 months mong niligawan si Sarah, pinagtyagaan mo yung monster mom na si Divine tapos ikaw pa ang pinalalabas na masama? Anong gusto nila ligawan mo ng 5-10 yrs si Sarah? Amu-amuin mo sya,ganon. Hindi naman sya kagandahan para pag aksayahan ng oras,marami dyang maganda,MAS may breeding, matured at MAY matinong parents . Hindi kawalan sa buhay mo Gerald si Sarah. Tama lang na tumigil ka na sa panliligaw lalo na kung may napansin kang kakaiba dyan kay Sarah. 25 years old na isip bata pa rin.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Charminguts
    09/14/2012 | 03:11 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    lulu_kapuso
    09/14/2012 | 03:48 PM
    AGREE AGREE AGREE AKO SAYO NG SOBRANG SOBRA!
    kiwipinay
    09/14/2012 | 05:39 PM
    pinaasa lang nya si sarah! iniwan sa ere! gusto kaseng isama agad sa abroad mag date para matsugi agad nya sa sarah! e di naman papayag si divine nyan!
    ian15yeah
    09/14/2012 | 05:49 PM
    Ang galing mo D_katie! yun yun e! Well said!
  • 20  Galactica

    09/14/2012 | 01:12 PM
    Ay naku si Budoy walang BALLS! ginamit mo lang si Sarah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  milomilo123

    09/14/2012 | 12:45 PM
    mag mary palmer ka nalang gerald
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    msweh
    09/14/2012 | 12:47 PM
    Hahahahaha!
    kiwipinay
    09/14/2012 | 05:38 PM
    egdar mangahas ka na lang ge hahaha! itanong mo pa kay cristy fermin hahaha!
    pepster31
    09/14/2012 | 07:55 PM
    isama mo pa si jun reyes...lol
  • 18  skittlesrainbow

    09/14/2012 | 12:00 PM
    balikan mo na lang si kim chiu mas bagay kayo please pretty please!!!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    msweh
    09/14/2012 | 12:21 PM
    Maawa ka naman kay kim chiu the, masaya na sha! Kawawa sha kay ge!
    lulu_kapuso
    09/14/2012 | 03:49 PM
    ANO KAYANG NANGYARI SA KANILA NI KIM NOH. KITANG KITA KASI NA SOBRANG NASAKTAN SI KIM.
    kiwipinay
    09/14/2012 | 05:37 PM
    eh di hindi pinaglaban ni ge si kim! halos mabaliw at magpakamatay si kim dati tsk tsk! sa interview lately ni kim inamin nya na kay ge umikot mundo nya kase mag isa lang daw sya sa manila. sobrang nasaktan talaga si kimmy! kaya mabuti nalang di sila naging si sarah! bata pa si ge maglalaro pa yan magpapalit palit payan!
  • 17  gretelle

    09/14/2012 | 11:42 AM
    He's only 23. Lots of women will come along Ge. Just like Sarah ganon did maraming guys will come and go. Wait na lang. After a few years all these will not even matter. Enjoy your youth!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    greatness
    09/14/2012 | 11:56 AM
    I agree with you!!!
    jakar
    09/14/2012 | 06:13 PM
    Maraming guys ang Tanong papasa ba nmn sa magulang ni sarah... Grabe ... Kailan kaya magiging happy si Sarah ... She deserve to be happy to love n be love hayyyy inagaw na nga ng trabaho ang kabataan ni Sarah pati ba Naman ang kaligayahan ipagbabawal
  • 16  pretty

    09/14/2012 | 11:33 AM
    Mahihirapan magkaboyfriend si sarah kasi hindi naman siya nakakalabas at kung may nagkakagusto man sa kanya sigurado nagdadalawang isip dahil sa mga magulang niya. Cute panoorin ang show ni sarah g nung nililigawan pa siya ni gerald pero ngayon parang DRY ulit ang Sarah g live.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  bananakiller00

    09/14/2012 | 11:19 AM
    gusto ni sarah si gerald.. obvious naman.. kaso nakialam ang parents ni sarah.. tsk kawawa naman si sarah kelan kaya siya magiging masaya
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    09/14/2012 | 12:51 PM
    palagay ko mas masaya si sarah sa piling ng mga magulang niya kaya bale wala sa kanya na may nanligaw sa kanya na isang gerald anderson. kaya hindi siya kaawa awa.
    lulu_kapuso
    09/14/2012 | 03:52 PM
    OBVIOUS.. UMIYAK PA NGA XA DIBA.. KAYA LANG HINDI MAN LANG KASI NYA MAPAG LABAN ANG SARILI NIYA.. HINDI MAN LANG BA NYA KAYANG SABIHIN SA MGA MAGULANG NYA NA HINDI XA GAGAWA NANG IKASASAMA NYA.. AI ANO BA YAN.. TATANDA KA TALAGANG DALAGA.. HINDI KA PA NAMAN KAGANDAHAN
  • 14  IamwhatIam1980

    09/14/2012 | 11:03 AM
    Korek GERALD... dont mind other negative comments about you...you deserve the best..so dont settle for someone whi cant event stand by herself,dependent and unstable..Its much better to be with somebody whom you can share beautiful memories togethr..WERE HERE SUPPORTING YOU ALL THE WAY....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  fanfginsteadfs

    09/14/2012 | 11:02 AM
    kakatawa naman kayo, papatulan pa ang mga comment. Bata pa si Gerald at Sarah, kung di nag work di hindi. Bakit kailangan i-disect ang mga comment ni Gerald, respeto na lang yung at opinion nya yun at si Sarah kung di pa ready eh di hindi, May mawawala ba sa inyong lahat. Tama na ang negativity. Ang mga taong negative, malas sa buhay. Everybody be positive, after all its their LIFE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  China_eyes1377

    09/14/2012 | 10:25 AM
    That's it. No regrets. Move on and never go back. Sarah needs someone better but you deserve the best Gerald. Thats all folks. Final nail to the coffin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ian15yeah
    09/14/2012 | 05:50 PM
    True that!
  • 11  kiwipinay

    09/14/2012 | 09:44 AM
    sana magising na si sarah pag nabasa nya ito! move on na si babe mo... sana move on ka na rin sasa... tama na ang puro love love love sa sarah g live ok? focus ka sa sarili mo sasa! we will always support you!! just bought your album maganda! kalimutan mo na si ge pls! go popsters!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  2828cris

    09/14/2012 | 09:36 AM
    Tama gerald naging dcisy0n mo,I'm so proud of u,mag sama cla ni divina at delfin...akala mo kgndhan anak nila.kalorkey tlga...To sarah mag trbho knlang para sa fmily mo wag knang mag bf dhl di papayag mga mgulang mo...peri0d
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    China_eyes1377
    09/14/2012 | 12:56 PM
    True
    lulu_kapuso
    09/14/2012 | 03:54 PM
    TAMANG TAMA. HAHA . HINDI KAGANDAHAN. HAHA
  • BrunoEsmeralda

    09/14/2012 | 09:05 AM
    UNTRUE. We have all heard someone look back on their life and say that maybe they made some bad choices but they live with no regrets. sabi ni Gerald sa bawat mali, NO regrets. abah, he is so ARROGANT naman pala talaga. nagkaMALI na nga, no regrets pa. BAD bad bad boy, bad BAD bad attitude naman yan.
    Reply |  9 Replies
    0   0   0  
    eyesore
    09/14/2012 | 09:22 AM
    sira yata talaga ulo nitong si BrunoHugo. basahin mo nga yung buong sentence. sabi nya, sa bawat mali...maraming natututunan kaya no regrets. okay ka lang? saan ka kaya pumupulot ng lahat ng negativity mo sa araw-araw?
    BrunoEsmeralda
    09/14/2012 | 09:50 AM
    sa bawat kamalian niya, walang regrets, kaya he is not feeling SORRY to those he offended. oh di ba arogante yun. nakagawa na nga siya ng mali, walang sorry feeling sa kanya, forget na lang kahit MALI siya. magsisi siya, patatawarin siya. huwag masyadong mayabang
    aaronick
    09/14/2012 | 10:44 AM
    Tama nga naman si Bruno. Dapat may regrets. Kasi kung walang regrets, you will think na ang ginawa mo eh tama. Pero kung may regrets, yan mismo ang indicator na yung ginawa mo ay mali, therefore you will do something to change it. Para hindi na ulit mangyari sa susunod yung maling ginawa.
    greatness
    09/14/2012 | 11:57 AM
    Bruno esmeralda, ang hina ng comprehension mo, day!
    greatness
    09/14/2012 | 12:05 PM
    Isa pa tong si aaronick, basahin ninyo ngang mabuti ang article, kung ano ang tanong kay garald kung bakit ang sagot niya ay no regrets!
    A_Cross_Between_The_Two
    09/14/2012 | 12:53 PM
    ang ibig sabihin ni Gerald sa NO REGRET, WALANG PANGHIHINAYANG na nangyari ung mga pagkakamali sa buhay nya kasi natuto siya sa mga kamalian na yun, it doesn't necessarily mean na di siya nagsisisi.. Sana paminsan-minsan, alamin kung ano ang meaning ng regret.. Think outside the box, kaya hindi umaasenso ang Pilipinas minsan dahil sa negativity at crab mentality ng KAPWA PILIPINO, tayo tayo nagsisiraan..
    lanalang08
    09/14/2012 | 12:55 PM
    low IQ kaya di mo magets ang ibig sabihin ni gerald. yon lang yon. simple lang ang explanation ni gerald di mo pa magets. nasaan ang brain mo nasa paa.
    Ligayaparaiso2011
    09/14/2012 | 02:00 PM
    Ano? Si BrunoQuasimodo aka Miss Tertiary Education, mahina ang comprehension? Hindi kasi sa English nakasulat ang article. Magaling si Quasimodo sa English, e.g. ...SOMEONE look back on THEIR life...hihihi...
    attitude_depends_on_u
    09/14/2012 | 02:13 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About