Wala pa ring kupas ang kaguwapuhan ng aktor, na siya ring napansin ng maraming manonood. Nga lang, fully covered ang aktor ng isang non-traditional suit: pula ang isang manggas at black ang kabila.
FUTURISTIC. Sumunod naman ang isang mala-futuristic na production.
Nanguna rito ang Walang Hanggan star na si Julia Montes, at sinundan siya ni Karylle at ng twin basketball players na sina David and Anthony Semerad.
Naging highlight naman ang paglabas sa entablado ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica, na bahagi pa rin ng naturang segment.
Topless si Aljur at may suot na pantalon. May hawak din itong props na tila pakpak na gawa sa bakal.
Tilian ang fans nang, matapos mag-pose ito sa dulo ng stage, tinanggal nito ang butones ng pantalon. Naudlot naman ang tilian nang hindi nito ibinaba ang pants.
Sinundan ito ng bagong segment na mala-underwater ang tema.
Rumampa dito ang dalawang hunk models na sina Pancho Magalona at John Spainhour.
Nagmistulang sea goddess naman si Lovi Poe na pumasok sa stage habang sakay ng isang higanteng coral rock.
Maikli lang ang mala-pantasyang segment na ito na sinundan ng isang medyo nakakatakot pero nakakamanghang pagtatanghal.
Isang malaking bangka ang lumabas mula sa likod ng LED screen background ng entablado.
Sakay nito ang isang lalakeng topless at may suot na itim na kapa.
Nang lumakad ang lalaki ay unti-unting nalantad na ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes pala ito.
Napasigaw naman ang maraming kababaihan sa audience nang makita siya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
30 zephyrinthesky
29 dmdaisy
28 kanguzoGMA7
27 kapamskoo
26 ike
25 kardashians
24 SpaghettiBolagnese88
23 SpaghettiBolagnese88
22 SpaghettiBolagnese88
21 rhiamags
20 thorns_143
19 tennisgirl123
18 kayee
17 nisannie
16 anya_met
15 rom_05
14 lumo12
13 theequator
12 skittlesrainbow
11 grinandgiggles
more comments