[x]

Zsa Zsa Padilla on being positive in life: “It’s just faith, I guess. It’s really… You know, I said it in a Kris TV interview, I said, you know, when things like this happens to your life, wala ka nang pinanghahawakan kundi ang salita ng Panginoon talaga. And this is something that I hold on to. It keeps me positive knowing He will not give me something that I won’t be able to handle.”

Photo: Noel Orsal

Bagamat medyo sumasakit pa ang opera ni Zsa Zsa Padilla, nagawa pa rin niyang dumalo sa exhibit ng kaibigan at kasamahan sa industriya na si Kuh Ledesma.

Kagabi, Setyembre 13, ay ginanap ang exhibit ng 40 paintings ni Kuh sa White Space, Pasong Tamo, Makati City.

Dito eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa.

“I like it, I like it very much, especially flowers!” sabi ng Divine Diva habang tinitignan niya ang mga likhang-sining ng kanyang kaibigan.

“Kasi I like pen and ink, e, I draw flowers also.

“But, ayun na nga, Kuh as an artist, as a painter, I’m not surprised at all.

“I know… though I expected more linear from her, kasi she’s so much into architecture.

“Wherever we go, when we used to tour for Diva 2 Diva, she looks at all the buildings, she likes to build houses... she likes to build and design.

“So I’m not surprised at all, parang yung… I’m very, very happy, it’s very floral. I like it.”

Ang Diva 2 Diva ay ang concert tour nina Zsa Zsa at Kuh noong 2003.



BEING POSITIVE.  Inoperahan si Zsa Zsa noong Agosto 27 sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California, upang tanggalin ang bukol sa kanyang kidney matapos siyang ma-diagnose na may Stage 1 kidney cancer.

Pero napag-alaman na benign o hindi cancerous ang nakuhang bukol sa kidney niya.

Noong Sabado, Setyembre 7, lamang nakabalik ng bansa ang Divine Diva.

Una siyang lumabas sa talk show ni Kris Aquino, ang Kris TV, noong Setyembre 12.

(CLICK HERE for related article.)

Kinumusta ng PEP ang kundisyon ngayon ni Zsa Zsa.