Iza Calzado on working with Kris Aquino: "Ako, nandun din ako, natututo rin ako sa kanya. I learn a lot from being with Ate Kris on the show, kahit na a few times pa lang kami nag-tape, nakikita ko kung paano siya. Actually, maingat siya, lalo na sasabihin niya, 'I-edit ninyo 'yan, kasi mapapahamak ka diyan.' Meron siyang ganun."

Photo: Noel Orsal

Maganda ang mood ni Iza Calzado kahapon, September 13, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa isang restaurant sa Quezon City.

Ang mini-presscon ay para sa episode ng aktres sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), na ipalalabas sa Sabado, September 15.

Ito ang ikalawang beses na pagge-guest ng aktres sa MMK.

Sa panayam ay panay ang biro at pakikipagkulitan ni Iza.

Halatang masaya ang aktres sa nagaganap sa kanyang career, matapos lumipat mula sa GMA-7 early this year.

Bukod kasi sa MMK episode, marami rin siyang projects sa ABS-CBN; tulad ng regular primetime soap opera na Kahit Puso'y Masugatan, ang pelikulang Ride To Love, at paminsan-minsang pagiging co-host sa Kris TV.

Inamin ni Iza na lagi siyang pagod dahil sa pagiging abala, pero hindi naman daw siya nagrereklamo.

Sa katunayan nga ay nai-shoot ang kanyang MMK episode noong birthday week niya.

August 12 ang birthday ng aktres, at August 14 naman nagsimula ang shoot para sa drama anthology.

Kuwento ni Iza, "Kasi siyempre yung MMK talaga, matagal yung shoot niya, kasi parang pelikula siya talaga.

"E, gumagawa rin ako ng soap opera. Two days yung shoot namin.

"Actually, nakaka-segue naman ako.

"Nagsu-shoot ako ng Ride To Love, movie. E, siyempre movie yun, lighter load.

"Tapos, yung cut-off, okay yung cut-off, mga 2 a.m., 1 a.m.

"E, sa MMK, mga cut-off mo, 6 a.m. Napupunta ka sa kabilang set, 7 a.m.