"Merong isang araw na natulog lang ako sa kotse nung papunta, tapos naligo na lang sa bahay, tapos pumunta na sa set.
"Dun na ako napa-text na, 'Hindi ko na po kaya 'to!' Napagod po ako nun."
Naging mas mahirap pa raw dahil sa parehong malungkot ang pinagdaraanan ng mga karakter niya sa MMK at sa soap.
"E, di kaka-birthday ko lang, may party kami.
"The next day pa lang, sa Kahit Puso'y Masugatan, kailangan ko nang mag-breakdown. Kaunti lang naman.
"Pero the day after, eto na, major depression.
"Sabi ko, 'Hindi ba ako puwedeng maging masaya?'"
Biro pa ni Iza, "Magko-comedy na nga lang ako! Gusto ko 'to, e! 'Kaloka."
MMK EPISODE. Ayon kay Iza, hindi niya matanggihan ang MMK role dahil "personal" ito sa kanya.
Tungkol kasi ito sa isang doktora na nagkaroon ng major depressive disorder. May katulad na sakit kasi ang yumaong ina ni Iza kaya't nakaka-relate daw siya sa karakter.
Kuwento ng aktres, "Well, ano siya, it's a personal story, kasi nga, my mom had depression. So it's very personal.
"That's why when they offered this to me, I emphatized.
"Actually, my mom, she is bipolar.
"Pero kasama nun, merong depression. When she's low, it's really low."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
39 mrsenchong
38 amal2008
37 oskieness
36 bacobaco
35 Dennisse_01
34 doreimon45
33 lostris
32 ellenbermu
31 teamkapamilyaglobal
30 kungfushoes
29 shellphone
28 merlion_25
27 alimango21
26 amayabai
25 napazu7
24 princessconsort
23 cinelamour
22 callmekeylee
21 jagjof
20 jams_mom
more comments