Iza Calzado on working with Kris Aquino: "Ako, nandun din ako, natututo rin ako sa kanya. I learn a lot from being with Ate Kris on the show, kahit na a few times pa lang kami nag-tape, nakikita ko kung paano siya. Actually, maingat siya, lalo na sasabihin niya, 'I-edit ninyo 'yan, kasi mapapahamak ka diyan.' Meron siyang ganun."

Photo: Noel Orsal

"Saka ano naman, e, siyempre yung mga taong nakatrabaho ko roon, at tumulong para mailagay ako kung nasa'n ako ngayon, e masasaktan kung ako ay magsasalita ng mga ganung bagay," pahayag niya.