news

Iza Calzado refuses to speak ill of her former network; wishes for more edgy roles as a Kapamilya

by Mark Angelo Ching posted on September 14, 2012  STATS: 56187 Views | 39 Comments

Iza Calzado on working with Kris Aquino: "Ako, nandun din ako, natututo rin ako sa kanya. I learn a lot from being with Ate Kris on the show, kahit na a few times pa lang kami nag-tape, nakikita ko kung paano siya. Actually, maingat siya, lalo na sasabihin niya, 'I-edit ninyo 'yan, kasi mapapahamak ka diyan.' Meron siyang ganun."

Photo By: Noel Orsal

Maganda ang mood ni Iza Calzado kahapon, September 13, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa isang restaurant sa Quezon City.

Ang mini-presscon ay para sa episode ng aktres sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), na ipalalabas sa Sabado, September 15.

Ito ang ikalawang beses na pagge-guest ng aktres sa MMK.

Sa panayam ay panay ang biro at pakikipagkulitan ni Iza.

Halatang masaya ang aktres sa nagaganap sa kanyang career, matapos lumipat mula sa GMA-7 early this year.

Bukod kasi sa MMK episode, marami rin siyang projects sa ABS-CBN; tulad ng regular primetime soap opera na Kahit Puso'y Masugatan, ang pelikulang Ride To Love, at paminsan-minsang pagiging co-host sa Kris TV.

Inamin ni Iza na lagi siyang pagod dahil sa pagiging abala, pero hindi naman daw siya nagrereklamo.

Sa katunayan nga ay nai-shoot ang kanyang MMK episode noong birthday week niya.

August 12 ang birthday ng aktres, at August 14 naman nagsimula ang shoot para sa drama anthology.

Kuwento ni Iza, "Kasi siyempre yung MMK talaga, matagal yung shoot niya, kasi parang pelikula siya talaga.

"E, gumagawa rin ako ng soap opera. Two days yung shoot namin.

"Actually, nakaka-segue naman ako.

"Nagsu-shoot ako ng Ride To Love, movie. E, siyempre movie yun, lighter load.

"Tapos, yung cut-off, okay yung cut-off, mga 2 a.m., 1 a.m.

"E, sa MMK, mga cut-off mo, 6 a.m. Napupunta ka sa kabilang set, 7 a.m.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

39 Comments

  • 19  washdckami

    09/14/2012 | 07:45 PM
    bravo Iza! talagang inaabangan namin ang KPM ganda kasi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  kungfushoes

    09/14/2012 | 07:43 PM
    i believed gma tried everything to make her stay. lahat na ata she was able to do: her own soap, hosting stints, dancing, shows abroad, movies and judging pero di pa rin talaga sya sumikat ng husto. something is still missing: mass appeal. wala syang appeal sa masa kahit ginawa pa syang host ng EB. meron syang aura ng kasosyalan at "i am better than all of you" feel. at isama pa na very mature looking nga sya. i hope mahanap nya ang success sa abs.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    iceprince
    09/15/2012 | 02:25 AM
    cguro lang kung ng baka na-achieve nyang konti yang masa appeal na yan kahit konti.
  • 17  kapusosimplythebest

    09/14/2012 | 07:38 PM
    she is standout when she address respecting kapuso network. It's deep and profound word from Iza well educated person. You should be the next Miss Universe just kidding aside. I love her she doesnt need to be famous only visibility and longevity coz she one of the best actresses in the phil industry. kabog kayo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  pearl102

    09/14/2012 | 07:29 PM
    Good for you Iza at hindi ka tumulad sa ibang artista na lumipat ng DOS or mga talents mismo ng DOS na they patronizing ABS to the highest degree at laitin yung kabilang networks and their fans just to satisfy the big EGO of their fanTARDS! Goodluck to your career and to your lovelife!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    botyokbotyok
    09/15/2012 | 05:23 PM
    nagmalinis pa tong eng eng
  • 15  kapamskoo

    09/14/2012 | 07:15 PM
    babalik ka rin sa pnanggalingan mo kaya wag mong sirain lalo na mga show mo mahina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  kapamskoo

    09/14/2012 | 07:14 PM
    may mf PROJECTS SIYA NGAYON KAYA lang mahina mga show darating ang araw na maging frozen delifht din sya. kaya wag mong sirain ang nagbigay sa yo ng pangalan. babalik ka rin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    merlion_25
    09/15/2012 | 12:07 AM
    Abala pa si Iza sa projects kc nasa contract na pinagkasunduan nila kya sya lumipat. Pag di nag rate or Di nag turn into profits mga projects ni Iza sa Dos, goodbye masasayang araw na for Iza. Itanong nyo pa Kay Karryle, Jewel, Meagan, etc etc. lol!
  • 13  dospoako

    09/14/2012 | 06:59 PM
    kahit nung nasa GMA pa to, tlagang magaling na umarte..matured nga lang tlga ang beauty nya pero maganda sya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  dikit007

    09/14/2012 | 06:20 PM
    I like Iza shes beautiful inside and out. Plus marunong rumespeto at lumingon sa pinanggalingan. Good Luck to you babe.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  shobizaddict

    09/14/2012 | 06:00 PM
    Shocking pag nega ang sinabi nya about GMA, kasi wala naman sa personality nya ang ganon. Anyway, problema lang talaga kung kanino ipa partner si Iza, matured kasi ang aura nya, namimili talaga. I once saw her paired with Ian Veneracion, bagay sila. Kay Richard Gomez din. Raymond Bagatsing, yun mga ganon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  fatedtoloveyou25

    09/14/2012 | 05:58 PM
    maganda c iza..pero masyadong mature ang mukha nya..kng pagtatabihin cla ni dawn mas mukha pang bata c dawn sa knya..hehehe..pero maganda cya.....goodluck sa career mo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    09/14/2012 | 05:55 PM
    Wahaha kala nila magagamit nila sa kasamaan nila si iza ha... Goodluck!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • theequator

    09/14/2012 | 05:46 PM
    She is pretty inside and out.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kuam565
    09/14/2012 | 07:23 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • TotoongTeebee

    09/14/2012 | 05:05 PM
    iba talaga pag GALING kaPUSO very versatile, kaya ayan halatang gamit na gamit sya pero sorry mas pinapanuod ksi ang GMA SHOWS, pero di maikakaila MAGALING SYA, SYA LANG PDE ITAPAT KAY SUNSHINE DIZON pero tama si LEFTY, agree nman ako s iyo pero decision nya yan, respect her. good luck IZA
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pretty
    09/14/2012 | 05:26 PM
    mas pinapanuod ang GMA shows according to AGB ratings.
  • pretty

    09/14/2012 | 04:49 PM
    parang matanda na talaga si Iza Calzado, kapag nasisilip ko teleserye niyang KPM hindi ko naman talaga pinapanoodfeeling ko ka-edad na niya si Ms Rita Avila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    09/14/2012 | 04:32 PM
    wla ka namang masasabing masama sa GMA lahat binigay sayo kahit movie binigyan ka ang problema hindi ka pang masa at sorry to say masyadong matured ang face mo para i partner kahit kanino..kahit sa ABS mahihirapan silang ipartner ka sa nga lalake doon maliban na lang kung gaganap kang asawa ni gabby, richard gomez pero kila john lloyd at iba pa..
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    lefty
    09/14/2012 | 04:33 PM
    pero kila john hindi ka nababagay..lalo naman ke gerald
    Dennisse_01
    09/14/2012 | 05:56 PM
    tama...pang mother roles na siya
  • Clara Pastor

    09/14/2012 | 04:31 PM
    kahit sino pang artista kung saan sila nanggaling na network babalik babalik din yan sa sariling tahanan..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • TheGMA07

    09/14/2012 | 04:14 PM
    Salamat Iza.. sumama man ang loob namin na mga taga GMA, hangad parin namin ang successful para sa career mo.. Alam kong isang araw BABALIK KA SA GMA- iba magmahal ang KAPUSO.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kuam565
    09/14/2012 | 07:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • sapulasaputi

    09/14/2012 | 04:07 PM
    well said iza. marunong lumingon sa pinanggalingan im sure mas malayo pa mararating mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cristydiaz
    09/14/2012 | 05:14 PM
    mabuti pa si iza marunong tumangi sa mga tanong na alam niyang may masasaktan di tulad ng iba diyan ................
  • gma_pinay

    09/14/2012 | 04:00 PM
    Dapat lang naman talagang hindi ka magsalita dahil hindi ka naman talaga pinabayaan sa GMA. Good luck and God bless!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About