Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-cover pictorial ang Kapamilya actress na si Melissa Ricks para sa FHM.
Ka-back-to-back ni Melissa sa September 2012 FHM Collections issue ang kapwa niya Star Magic talent na si Gerald Anderson.
Sa launching ng September issue ng FHM kahapon, September 13, sa The Bar ng Holiday Inn, sa Ortigas, Pasig City, ay tinanong si Melissa kung ano ang naging reaksiyon niya nang makita ang kanyang pictorial para sa nangungunang men’s magazine sa bansa.
“Ako, ang first reaction ko, masaya ako.
“Kasi, pinaghirapan ko talaga. Ilang months din po akong nag-prepare.
“Matagal na rin akong gustong kuhanin ng FHM, pero kailan lang din po ako pumayag, and then, they gave me time to prepare.
“Tapos noong nakita ko ang final picture… actually, hindi final picture pa, kahit sa camera pa lang ni Doc Marlon [Pecjo], natuwa ako.
“Sabi ko, ‘Gosh, ako ba ‘yan?’
“They were so, so nice to me—from Doc Marlon, to the stylist, to the staff. Kaya more than anything else, it was a fun shoot.
“At least, sulit ang paghihirap ko, di ba?” nakangiti niyang sabi.
KEEPING IT FROM HER PARENTS. Yun nga lang, hindi raw ipinagtapat agad ni Melissa sa kanyang mga magulang na sa FHM siya magku-cover.
“Ang sabi ko sa parents ko, I will be shooting for a magazine na medyo kakaiba.
“Tapos, sabi ko, kasama ko si Gerald.
“Noong sinabi kong kasama ko si Gerald, aprub na sila. Hindi nila alam na FHM pala yun.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 yellowsubmarine12
10 kiwipinay
9 pepster31
8 lanalang08
7 eniforever
6 pioloangelojosef2010
5 petiteclau
4 ian15yeah
3 marian_superstar
2 gmabs27
1 winged_angel