Isa raw sa dahilan kung bakit kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ni Melissa Ricks sa relasyon nila ng kasintahang si Paul Jake Castillo ay dahil pabor dito ang kanyang mga magulang. Saad niya, "Ngayon, tinatanggap nila na meron na rin akong boyfriend, matanda na rin ako. They know that I’m responsible enough of handling whatever that is coming my way. Kasi nga, with what happened to me before, so alam na nila na I’m wiser now.”

Photo: Noel Orsal

“You know, I feel like he wants to be part of my life.

“Hindi niya sina-shut out ang mga gusto ko sa buhay ko. 

“He’s very supportive in everything that I do, lalo na sa showbiz career ko.

“Busy ako palagi sa taping and he understands.”



PAST RELATIONSHIP. Nang mabanggit naman ang kanyang nakaraang relasyon sa aktor na si Jake Cuenca, mabilis itong sinagot ni Melissa.

Aniya, “Yung past ko, that’s why may present. And with the present, it should be better than the past.”

Pero may mga natutunan naman daw siya sa last relationship niya.

Sabi ni Melissa, “Siyempre, in every relationship, you learn. 

“From the mistake with that relationship, alam mo na ang tama at mali na dapat gawin sa isang girlfriend at boyfriend.”

Posible kayang maibalik pa ang pagiging magkaibigan nila ni Jake?

“I think kasi, you can forgive, pero forgetting is the hardest part.

“And I don’t think I can forget what happened. 

“It’s better na hindi na lang kami friends.

“It’s better dahil maayos naman now. Everything is okay now. 

“Maganda ang career niya, maganda ang career ko.

“I couldn’t ask for more, I just wish him all the best.”



HAPPINESS. Ayon pa kay Melissa, ngayon lang niya naramdaman ang kaligayahang meron siya dulot ng relasyon nila ni Paul Jake.